BRAISED then PAN-GRILLED PORK LIEMPO


Sino ang hindi mapapasarap ang kain kapag inihaw na liempo ang ulam?   Meron.   hindi mapapakain yung mga pustiso na ang ngipin ang hindi na masyadong maka-nguya.   hahahaha.   But kidding aside, ayos na ayos ang dish na ito sa mga naka-pustiso na ang ngipin.   Malambot kasi ito nang maluto at malasang-malasa talaga.

Actually, braised liempo in Sprite ang lutong gagawin ko sa liempong ito.   Kaso, parang hindi ako satisfied sa kinalabasan ng luto.   Ang ginawa, inihaw ko siya sa kawali hanggang sa medyo mag-burn lang yung magkabilang side.  And viola!  Ang sarap ng kinalabasan.  


BRAISED then PAN-GRILLED PORK LIEMPO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (hiwain ng mga 3 inches ang haba)
12 oz. Sprite or 7-Up
1/3 cup Worcestershire Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola pagsama-samahin lang ang lahat ng mga sangkap.   Hayaan ng mga isang oras.
2.   Pakuluan ito hanggang sa kumonte na lang ang sabaw.  Palamigin sandali.
3.   Sa isang non-stick na kawali, i-grill ang liempo hanggang sa ma-burn ng bahagya ang magkabilang side.

Ihain habang mainit pa at may kasamang toyo na may calamansi at sili.

Enjoy!!!

Comments

zachariketayluz said…
wow kuya dennis ang sarap naman nyan fave ko yan eh nga pala kuya dennis nirecommend ko itong blog mo sa facebook page ko sabi ko ivisit naman nila itong blog mo gawa ka na din ng facebook page kuya dennis siguradong mas marami kang magiging followers :)
eto nga palaang facebook page ko www.facebook.com/ilovefilipinofood
Dennis said…
Thanks Zach....Actually meron. Hindi nga lang ako ganun ka-active. Iniisip ko kasi nung una, baka mahati yung viewers sa blog at sa FB. But I think I get your points. Salamat ulit and I hope you continue supporting this blog.

Favor din...paki-click naman yung mga ads. Nag-e-earn kasi ng points yun sa google and may equivalrnt na monetary value.

Thanks again


Dennis
zachariketayluz said…
ok cge kuya dennis thank you din :)
Dennis said…
Thanks Zach...nakita mo na yung fan page sa FB? Naka-gawa na ulit ako. Thanks again
J said…
Kuya kahit pustiso tiyak kakainin yang liempo na yan hehehe.

P.S. Kinlick ko ang ads mo hehe.
Dennis said…
Thanks J.... :)... Like mo din ako sa FB....hehehe. Search mo lang Mga Luto ni Dennis.

Salamat :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy