BRAISED then PAN-GRILLED PORK LIEMPO
Sino ang hindi mapapasarap ang kain kapag inihaw na liempo ang ulam? Meron. hindi mapapakain yung mga pustiso na ang ngipin ang hindi na masyadong maka-nguya. hahahaha. But kidding aside, ayos na ayos ang dish na ito sa mga naka-pustiso na ang ngipin. Malambot kasi ito nang maluto at malasang-malasa talaga.
Actually, braised liempo in Sprite ang lutong gagawin ko sa liempong ito. Kaso, parang hindi ako satisfied sa kinalabasan ng luto. Ang ginawa, inihaw ko siya sa kawali hanggang sa medyo mag-burn lang yung magkabilang side. And viola! Ang sarap ng kinalabasan.
BRAISED then PAN-GRILLED PORK LIEMPO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (hiwain ng mga 3 inches ang haba)
12 oz. Sprite or 7-Up
1/3 cup Worcestershire Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pagsama-samahin lang ang lahat ng mga sangkap. Hayaan ng mga isang oras.
2. Pakuluan ito hanggang sa kumonte na lang ang sabaw. Palamigin sandali.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-grill ang liempo hanggang sa ma-burn ng bahagya ang magkabilang side.
Ihain habang mainit pa at may kasamang toyo na may calamansi at sili.
Enjoy!!!
Comments
eto nga palaang facebook page ko www.facebook.com/ilovefilipinofood
Favor din...paki-click naman yung mga ads. Nag-e-earn kasi ng points yun sa google and may equivalrnt na monetary value.
Thanks again
Dennis
P.S. Kinlick ko ang ads mo hehe.
Salamat :)