BREADED PORKCHOP SURPRISE
What is the surprise in this breaded porkchops? Siguro yan ang tanong ng marami sa mga makakabasa ng post kong ito for today. Simple lang naman ang sagot.... the taste. Yes, yung lasa ang suprise sa simpleng pritong porkchops na ito. Bakit naman? Nilagyan ko kasi ito ng dried basil.
Actually, nabasa ko lang ang recipe nito sa isa pang food blog na lagi kong binibisita ang www.yummy.ph. Ang pagkakaiba lang nitong ginawa ko ay inilubog ko muna ang porkchops sa batter saka ko iginulong sa Japanese breadcrumbs. Mas crunchy ang kinalabasan at mas masarap.
BREADED PORKCHOP SURPRISE
Mga Sangkap:
10 pcs. Porkchops
1 tsp. Dried Basil
1 pc. Egg
1 cup Cornstarch
2 cups Japanese Breadcrumbs
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang porkchops (magkabilang side) ng asin, paminta, maggie magic sarap at dried basil. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
2. Sa isang bowl, ilagay ang cornstarch at kaunting malamig na tubig. Haluin itong mabuti. Dapat medyo malapot ang kalabasan.
3. Ihalo na din ang binating itlog at timplahan ng kaunting asin at paminta.
4. Ilubog sa ginawang batter ang porkchops at saka igulong naman sa Japanese breadcrubs. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
Ihain habang mainit pa na may kasamang gravy, catsup o Mang tomas sarsa ng lechon.
Enjoy!!!!
This is my entry for:
Comments
Thanks for the visit :)