NILAGANG MANOK - Simple lang

Alam nyo ba o natatandaan yung kanta ni Ariel Rivera na ang title ay "Simple Lang"?   May part na ang sabi..."...hindi ba kay sarap ng buhay kung simple ang dating".   Ang binabanggit nung kanta ay yung kagandahan ng simple sa lahat ng bagay maging sa ating buhay-buhay.

And yes, kahit sa pagkain na ating niluluto, maganda talaga yung simple lang.  Simple ang sangkap at pamamaraan ng pagluluto.   Kahit ako, kahit nagba-blog ako ng mga pagkain, bumabalik pa din ako dun sa mga simpleng pagkain na aking naka-gisnan.  Masarap kasi, parang bumabalik yung mga memories ng aking kabataan.   Kahit naman sa buhay, ang sarap balikan nung simpleng buhay noong araw.

Ganun din sa dish na ito na handog ko sa inyong lahat.   Ito siguro ang pinaka-madali at pinaka-simpleng luto na pwedeng gawin sa manok.   Nilagang Manok.   Kahit ang mga sangkap ay simple din.   Pechay Baguio, leeks at patatas.   Pero wag ka, kahit ganito kasimple ang soup dish na ito, punong-puno ito ng lasa at sarap.   ayos na ayos ito lalo ngayon maulan ang panahon.


NILAGANG MANOK - Simple lang

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
2 thumb size Ginger (balatan at pitpitin)
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Potato (quartered)
Pechay Baguio
Leeks
2 pcs. Knorr Chicken Cubes (optional)
1 tsp. Pepper Corn
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig (depende sa dami ng sabaw na nais) kasama ang pinitpit na luya at sibuyas.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
2.   Ilagay ang manok at timplahan ng asin o patis at paminta.   Hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
3.   Ilagay ang patatas.   Takpan muli at hayaang maluto ang patatas)
4.   Huling ilagay ang leeks, pechay Baguio at knorr cubes.
5.   Tikman ang sabaw at i-djust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
Sarap Talaga ...
Dennis said…
Tama anonymous....Sarap humigop ng sabaw lalo na kung malamig ang panahon o umuulan...hehehehe

Thanks for the visit. :)
Anonymous said…
ahehe.. bata pa po ako at nag-aaral palang ako magluto kaya mga basic palang po kaya ko lutuin.. buti na lang nakita ko po itong recipe niyo, madali po siyang sundan.. kaya Success on the 1st cook ko po! ^_^ Maraming salamat po sa pagpost! :)
Dennis said…
Thanks anonymous....Basta may katanungan ka post ka lang ng tanong mo or i-email mo ako.

Thanks again. (pakilala ka naman....hehehe)
Unknown said…
i realy love this blog kahit d ako marunong magluto prang gusto ko matuto magluto
Dennis said…
Thanks Sheryl....Madali lang naman magluto...you may start with the basic ginisa, nilaga or sinigang. You may check all these dishes in the archive. Piliin mo na lang yung pinaka-simple. Basta pag may question ka dont hesitate na mag-email or mag-message sa akin.

Thanks again

Dennis
Anonymous said…
Palagi po akong tumitingin sa google kung paano magluto at lutuin yung ulam na gusto ko. Buti nakita ko to. :) salamat po sa pag post. May natutunan nanaman akong bagong lutong pinoy! -hyacinth
Dennis said…
Hi Hyacinth,

Salamat naman at nagustuha mo ang blog kong ito. Do not hesitate to message me kung may mga katanungan ka. Just message it dun sa post na may tanong ka.

Regards,

Dennis
Anonymous said…
I love it ~~ salamat po kung sino man ang nagpost nito dahil malaki ang naitulong nito...ipinakita ko po ito sa aking mama at yung nagluto na siya .... masarap talaga kahit mga kaibigan ko nasarapan din !!

-IRESH NICOLE
Dennis said…
Thanks Iresh at nagustuhan mo ito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy