NILAGANG MANOK - Simple lang
Alam nyo ba o natatandaan yung kanta ni Ariel Rivera na ang title ay "Simple Lang"? May part na ang sabi..."...hindi ba kay sarap ng buhay kung simple ang dating". Ang binabanggit nung kanta ay yung kagandahan ng simple sa lahat ng bagay maging sa ating buhay-buhay.
And yes, kahit sa pagkain na ating niluluto, maganda talaga yung simple lang. Simple ang sangkap at pamamaraan ng pagluluto. Kahit ako, kahit nagba-blog ako ng mga pagkain, bumabalik pa din ako dun sa mga simpleng pagkain na aking naka-gisnan. Masarap kasi, parang bumabalik yung mga memories ng aking kabataan. Kahit naman sa buhay, ang sarap balikan nung simpleng buhay noong araw.
Ganun din sa dish na ito na handog ko sa inyong lahat. Ito siguro ang pinaka-madali at pinaka-simpleng luto na pwedeng gawin sa manok. Nilagang Manok. Kahit ang mga sangkap ay simple din. Pechay Baguio, leeks at patatas. Pero wag ka, kahit ganito kasimple ang soup dish na ito, punong-puno ito ng lasa at sarap. ayos na ayos ito lalo ngayon maulan ang panahon.
NILAGANG MANOK - Simple lang
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
2 thumb size Ginger (balatan at pitpitin)
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Potato (quartered)
Pechay Baguio
Leeks
2 pcs. Knorr Chicken Cubes (optional)
1 tsp. Pepper Corn
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig (depende sa dami ng sabaw na nais) kasama ang pinitpit na luya at sibuyas. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
2. Ilagay ang manok at timplahan ng asin o patis at paminta. Hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
3. Ilagay ang patatas. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas)
4. Huling ilagay ang leeks, pechay Baguio at knorr cubes.
5. Tikman ang sabaw at i-djust ang lasa.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!

Comments
Thanks for the visit. :)
Thanks again. (pakilala ka naman....hehehe)
Thanks again
Dennis
Salamat naman at nagustuha mo ang blog kong ito. Do not hesitate to message me kung may mga katanungan ka. Just message it dun sa post na may tanong ka.
Regards,
Dennis
-IRESH NICOLE