MANGO and GRASS JELLY DESSERT
May nabili akong grass jelly in can sa supermarket na balak ko sanang gawin kahalo ng milk tea. Pero nabago ang lahat at ewan ko kung papaano nauwi sa dessert ang grass jelly na ito.
I'm not sure kung mayroon na na ganitong dessert. Basta ang nasa isip ko lang nung time na ginawa ko ito ay makagawa ng isang dessert o pang-himagas sa kahilingan na din ng aking bunso na si Anton.
Walang cooking na involve sa dessert na ito. Hihiwain lang ang mga sangkap sa nais na laki at halo-halo lang ng iba pang mga sangkap. Ang nakakatuwa dito, kakaiba at masarap ang kinalabasan. Naroon yung masarap na lasa ng manga at yung flavor ng grass jelly na talagang naghihiwalay ang lasa sa inyong mga bibig. Try nyo ito. Ayos na ayos na dessert din ito kung magkakaroon kayo ng halloween party. Di ba ayos na ayos ang kulay? hehehehe
MANGO and GRASS JELLY DESSERT
Mga Sangkap:
1 big can Grass Jelly (cut into cubes)
3 pcs. Hinog na Mangga (cut also into cubes)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 can Condensed Milk
To assemble:
1. Sa isang bowl paghaluin lamang ang lahat ng mga sangkap.
2. Ilagay muna sa fridge to chill
Ihain na medyo malamig.
Enjoy!!!!
This is my entry for:
Comments