MANGO and GRASS JELLY DESSERT


May nabili akong grass jelly in can sa supermarket na balak ko sanang gawin kahalo ng milk tea.   Pero nabago ang lahat at ewan ko kung papaano nauwi sa dessert ang grass jelly na ito.

I'm not sure kung mayroon na na ganitong dessert.   Basta ang nasa isip ko lang nung time na ginawa ko ito ay makagawa ng isang dessert o pang-himagas sa kahilingan na din ng aking bunso na si Anton.

Walang cooking na involve sa dessert na ito.   Hihiwain lang ang mga sangkap sa nais na laki at halo-halo lang ng iba pang mga sangkap.   Ang nakakatuwa dito, kakaiba at masarap ang kinalabasan.   Naroon yung masarap na lasa ng manga at yung flavor ng grass jelly na talagang naghihiwalay ang lasa sa inyong mga bibig.   Try nyo ito.  Ayos na ayos na dessert din ito kung magkakaroon kayo ng halloween party.   Di ba ayos na ayos ang kulay?   hehehehe


MANGO and GRASS JELLY DESSERT

Mga Sangkap:
1 big can Grass Jelly (cut into cubes)
3 pcs. Hinog na Mangga (cut also into cubes)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 can Condensed Milk

To assemble:
1.  Sa isang bowl paghaluin lamang ang lahat ng mga sangkap.
2.   Ilagay muna sa fridge to chill

Ihain na medyo malamig.

Enjoy!!!!



This is my entry for:
FTFBadge

Comments

i♥pinkc00kies said…
anything with sweet mangoes are so good :D sarap nyan pag chilled!! parang ok din w/ buko. haha
zachariketayluz said…
kuya dennis natakam naman ako dito. mukhang masarap to ha
Dennis said…
Oo nga...parang masarap nga kung may buko. Ang think of the color....hehehehe. Thanks pinkcookies :)
Dennis said…
Yes Zach....two different flavors in one....yummy!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy