PESTO and BACON PASTA

Ito ang pasta dish na inihanda ko sa aking mga officemates nitong nakaraan kong kaarawan.  Alam kong mag-ki-click ito sa aking mga ka-officemates komo ang madalas na inihahanda dito kapag may birthday ay spaghetti o kaya naman ay pancit.

Tinawag ko na lang na pesto ang sauce na inilagay ko dito komo ang basic na sangkap ng pesto ay nandirito naman.  Hinaluan ko kasi ng evaporated milk yung pesto mismo para kako maging creamy yung kakalabasan ng pesto.   Also, cashew nuts ang ginamit ko dito sa halip na pine nuts.   Nakapagluto na ako ng ganitong klaseng pasta dish.  Ang pagkaka-iba lang nito ay yung evaporated milk na idinagdag ko.   Pero wag ka, ang daming humihingi ng recipe ng pasta dish na ito.   Masarap naman kasi talaga at kakaiba ang lasa.   Try nyo din.



PESTO and BACON PASTA

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti pasta
500 grams Bacon (cut into small pieces)
50 grams Fresh Basil Leaves (alisin yung tangkay)
1 big can Alaska Evap (red label)
1/2 cup Cashew Nuts
1 head Garlic
1/2 cup Olive Oil
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1 cup grated Cheese
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction.
2.   Sa isang blender o food processor, ilagay ang alaska evap, olive oil, cashew nuts at fresh basil leaves.   I-blender ito hanggang sa  madurog ang nuts at ang mga dahon.
3.   Sa isang kawali (malaki na kasya lahat pati yung spaghetti noodles), igisa ang bawang at sibuyas sa 2 tbsp. olive oil
4.   Ilagay na ang bacon.   Halu-haluin at hayaang matusta ng bahagya ang bacon.
5.   Ilagay na ang binlender na pesto na may gatas sa ginisang bacon.
6.   Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ihalo ang nilutong psta noodles sa sauce.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
8.  Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

zachariketayluz said…
sarap naman kuya dennis nagutom tuloy ako :)
Dennis said…
Thanks again Zach....Notice yung mga sangkap na ginamit ko sa pesto? Not the actual pesto recipe pero magkasing-sarap. Creamy pa.....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy