BAKED STUFFED CHICKEN ROULADE


Kahit nung hindi pa ako nag-ba-blog, pinipilit kong maghanda ng isang espesyal na ulam sa aking pamilya kahit paminsan-minsan.   Yung ulam na hindi pangkaraniwan naming kinakain.   Ofcourse pwede namang kumain sa labas, pero para sa akin iba pa rin yung pinaghirapan mo at ikaw mismo ang nagluto.

Para sa akin, hindi naman kailangan na mahal ang isang pagkain para tawagin na espesyal.   Syempre, una na dito ang sarap at lasa nito.   Di ba sa mga handaan lang tayo nakaka-tikim ng mga espesyal na pagkaing ito?   Pwede naman din nating gawin ito sa bahay kahit konting effort lang ang gawin natin.

Kagaya nitong dish natin for today.   Medyo pang-restaurant ang dating ng dish pero sa totoo lang, madali lang itong gawin.   Hindi pangkaraniwan, at tiyak kong magugustuhan ito g mga kakain.  Ayos na ayos din ito sa mga espesyal na okasyon kagaya ng Pasko at Bagong taon.



BAKED STUFFED CHICKEN ROULADE

Mga Sangkap:
3 whole skinless Chicken Breast Fillet
1 cup chopped Fresh Basil Leaves
1 medium size Red Bell Pepper (cut into strips)
Cheese cut into 2 inches long
2 cups Japanese Breadcrumbs
5 pcs. Calamansi
Star margarine
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 pc. Egg beaten
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang kitchen mallet o kahit anong pampukpok, pitpitin ang chicken fillet hanggang sa numipis.   Ingatan lang na huwag mapunit o masira ang laman ng manok.   Ilagay muna sa isang tray.
2.   Timplahan ang pinitpit na manok ng asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi.   Hayaan ng mga ilang minuto o higit pa.
3.   To roll:   Ilatag ang chicken fillet sa isang plato.
4.   Pahiran ng star margarine ang ibabaw ng manok.
5.   Lagyan ng mga palamang cheese, chopped basil leaves at red bell pepper strips.
6.   I-roll hanggang sa matakpan ang mga palaman.   Balutin ng plastic ang bawat isnag roll at ilagay muna sa freezer ng mga 15 minuto.
7.   Kung lulutuin na, alisisn ang ibinalot na plastic at igulong sa binating itlog at pagkatapos ay i-roll naman sa breadcrumbs.
8.   Ilagay diretso sa turbo broiler at lutuin sa pinaka-mainit na settings sa loob ng 20 minuto o hanggang sa pumula ang outer side ng chicken roll.   Kung sa oven naman lulutuin, ilagay lang ang chicken roll sa isang tray at lutuin din sa init na 300 degrees hanggang sa maluto at pumula ang outer side ng roll.
9.   Palamigin muna bago i-slice ang chicken roll.
10.  Lagyan ng cheesy melt sa ibabaw bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy