BANGUS INASAL


Mapapansin nyo siguro na marami sa mga recipes na pino-post ko sa food blog kong ito ay yung mga traditional pinoy recipes na nilalagyan ko ng twist.   Yung iba naman ay nakuha ko sa Internet at ang iba naman ay imbento lang.   hehehehe.   Bakit naman hindi?   Bakit hindi natin pasarapin yung dati nang masarap?   Yung nga ang sinasabing "lets think out of the box".   Hindi yung nakatali lang tayo sa naka-gisnan natin na paraan ng pagluluto.

Kagaya nitong recipe natin for today.   Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang Inasal na luto ng manok.   Sa dami ba naman ng Mang Inasal (uy free ads ito ha..hehehe) sa paligid, lahat tayo ay napa-ibig na sa masarap na pagkaing ito.   At yun ang naging inspirasyon ko nung naisipan kong gawin ang bangus version ng inasal na ito.   Parehong mga sangkap at sinamahan ko pa ng enseladang mangga at kamatis na may bagoong alamang.... Wow!!!  Tiyak na mapapalakas na naman ang kain natin.   hehehehe


BANGUS INASAL

Mga Sangkap:
Boneless Bangus
Achuete Oil
3 tangkap na Lemon Grass  Tanglad (white portion lang....pitpitin para makuha yung katas)
1 thumb size Ginger (grated)
1 head minced Garlic
1 cup Sugar Cane Vinegar
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Budburan ng asin at paminta ang boneless na bangus.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang suka, bawang, ginadgad na luya at maggie magic sarap.   Ibabad dito yung tanglad at saka katasin.
3.  Ibuhos ang marinade mix sa bangus at hayaan ng mga 30 minuto o higit pa.
4.  I-ihaw ito sa oven o turbo broiler...pahiran ng achuete oil ang ibabaw from time to time hanggang sa maluto.

Ihain habang mainkt pa na may kasamang  pinaghalong kamatis, mangga at bagoong alamang.   Okay din lang ang suka na may toyo at calamansi para sawsawan.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Ano po bang ibig sabihin ng "inasal" kuya?

By the way, magugustuhan yan ng asawa ko! Bangus monster yun eh hehehe.
Dennis said…
I'm not sure J ha...but I think inasal is a bisayan word for barbeque o inihaw in tagalog. For sure magugustuhan yan ng hubby mo. Hehehehe. Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy