BEEF KARE-KARE - The easy way


Ilang araw nang parang nag-lalaway akong kumain ng kare-kare.   Gusto ko sana yung ang laman ay mukha o balat ng baka.  Kaso medyo ma-trabaho yun komo matagal palambutin ang laman.

Naisipan kong itong 1 kilo na laman ng baka (mechado cut) na lang ang gawin kong kare-kare.   At sa halip na yung traditional na paraan ng pagluluto ng kare-kare ang gawin, yung instant na lang para hazzle free.  hehehehe.   Ang ibig kong sabihin ay yung pag-gamit ng instant kare-kare mix.   hehehehe

Yes.   Sa panahon ngayon, marami nang instant sauce mix ng kung ano-anong putahe.   Syempre naman, iba pa rin yung niluto mo ito hte way it is. Pero sabi ko nga wala namang masama na gumamit ng ganito lalo na sa mga working mother.   Okay din naman ag lasa.   Kay for hazzle free the easy way kare-kare...gumamit ng instant kare-kare mix.   hehehehe


BEEF KARE-KARE - The Easy Way

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
1 sachet Mama Sita kare-kare Mix
Sitaw (cut into 2 inches long)
Talong (cut into 2 inches long then quartered)
Pechay Tagalog
2 tbsp. Achuete Oil
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Canola oil or ordinary cooking oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa toyo.
2.   Ilagay na agad ang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta.   Lagyan din ng tubig at takpan.   Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne ng baka.  Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang kare-kare mix at achuete oil.   Takpan muli at hayaan pa ng mga 5 minuto.
4.   Unang ilagay ang sitaw at makaraan ng ilang minuto at ilagay naman ang talong.   Huling ilagay ang pechay.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa na may kasamang bagoong alamang sa side.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Yan din madalas ang kare-kare ko kuya. Quick and easy. Masarap din, pero shempre di kasing sarap ng traditional.
Dennis said…
Oo nga J...pero pasado na din..lalo na kung nagmamadali ka....hehehehe.
Unknown said…
pede ok naman po e2 ^_^

Dennis said…
Thanks Ronald....:)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy