BREADED PORKCHOPS with HONEY-PEANUT-TERIYAKI SAUCE

Sa panahon ngayon at sa sobrang mahal ng mga bilihin, ang pag-aaksaya ng pagkain ay malaking NO sa ating lahat.   Kaya kami sa bahay kapag nakikita kong hindi inuubos ng mga anak ko ang kanilang baong pagkain, todo sermon ang napapala nila sa akin.   Sabi ko sa kanila maraming bata at mga tao ang hindi kumakain tapos sila ay nag-aaksya lang.

Ulam man o kahit mga sauces lang ay talagang inilalagay ko pa sa fridge para hindi masayang.   Baka kako may mapag-gamitan pa sa mga darating na mga araw.

At ganun nga ang ginawa ko sa peanut sauce na ginawa ko para sa aking pan-grilled na liempo.  Remember?   Masarap ang sauce na yun.   Kaya naman nang magluto ako nitong breaded porkchops, naisip kong ire-cycle ito para mapakinabangan pa.   Ang ginawa ko?   Nilagyan ko pa siya ng honey bee at teriyaki sauce.   Wow!   mas lalong sumarap ang sauce at tamang-tama talaga sa crispy porkchops na ito na aking niluto.  Kain po tayo....hehehehe


BREADED PORKCHOPS with HONEY-PEANUT-TERIYAKI SAUCE

Mga Sangkap:
10 pcs. Porkchops
5 pcs. Calamansi
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 cup Cornstarch
1/2 cup Flour
Cooking Oil for frying
For the Sauce:
2 tbsp. Teriyaki Sauce
1/2 cup Honey Bee
1 cup Peanut  Sauce (See10/5/2012 recipe)

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang porkchops sa asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi.   Hayaan ng 1 oras o higit pa.
2.   Sa isang platic bag ilagay ang harina, cornstarch at minarinade na porkchops.   Isara ang palstic at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breading mix ang lahat ng porkchops.
3.  I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   For the sauce, sa isang sauce pan paghaluin lang ang lahat ng mga sangkap halu-haluin at hayaang kumulo. 
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang breaded porkchops kasama ang ginawang sauce.

Enjoy!!!



Comments

Anonymous said…
another simple but great recipe!!! thanks..(claire)
Dennis said…
Thanks Claire...kahit catsup lang ay okay na okay sa porkchops na ito. Pero mas masarap kung ito ang sauce na gagamitin. Naging extra spcial siya. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy