CHICKEN and SQUASH SOUP
Sa mga gulay natin, ang kalabasa ang isa sa mga paborito ko. Pansin nyo naman siguro, nagagawa ko itong pang-ulam, pang-meyenda, pang-himagas o soup man. Masarap kasi ito, masustansiya, napaka-versatile at mura pa. Kaya namanbasta may pagkakataon ay nagluluto ako nito sa bahay.
May ilang pumpkin o kalabasa soup na ako sa archive. Ofcourse magkakaiba ito lalo na sa mga sangkap. In this version, as usual, mga left-over sa fridge ang aking ginamit. Tandaan: Sa panahon ngayon, bawal mag-aksaya. hehehehe. May natira pa akong mga 300 grams na kalabasa mula sa okoy na aking niluto nitong nakaraang araw at kalhating pitso ng manok na ginamit ko yung iba sa aking chicken sopas. Ang resulta? Isang masarap na soup na pwedeng ihanay sa mga soup na natitikman natin sa mga mamahaling restaurant. Try it!
CHICKENand SQUASH SOUP
Mga Sangkap:
300 grams Squash o Kalabasa (boiled until tender)
100 grams Chicken Breast Fillet (boiled)
5 cups Chicken broth or 5 cups of Water and 2 Knorr chicken cubes
1 head minced Garlic
1 small size Onion (finely chopped)
2 tbsp. Butter
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-blender ang nilutong kalabasa at manok sa kaunting tubig hanggang sa maging pino (puree). Set aside.
2. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang sa butter hanggang mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isunod na igisa ang sibuyas at ilagay na agad ang chicken broth. Takpan at hayaang kumulo.
4. Ilagay na ang kalabasa at chicjen puree. Haluin.
5. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayos sa inyong panlasa.
6. Maghango sa isang bowl at lagyan ng piniritong bawang sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments