CHICKEN with GREEN CURRY PASTE
Nakita ko itong Green Curry Paste sa SM Supermarket the last time na mag-grocery kami. Naisip ko lang kung ano ang pagkakaiba nito sa yellow curry na madalas kong ginagamit kung gusto kong mag chicken curry.
Sa picture pa lang parang ang sarap-sarap na nitong green curry na ito. Kaya naman hindi ako nag-dalawang isip na gamitin at tamang-taman naman at mayroon din akong fresh na gata ng niyog na nabili.
Masarap naman ang kinalabasan. Yun lang parang kulang sa kulay ang finished product. Hindi siya ganun ka-green kagaya nang nasa label sa ibaba. Ang napansin ko pa, mas maanghang ito as compare dun sa yellow curry.
CHICKEN with GREEN CURRY PASTE
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 sachet 50 grams Green Curry Paste
2 cups Coconut Cream o Kakang Gata
2 pcs. large Potato (cut into cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
2 thumb size Ginger (cut into small pieces)
1 large Onion Sliced
5 cloves minced Garlic
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Canola Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay na agad ang hiniwang manok. Timplahan ng asin at paminta at takpan para masangkutsa.
3. Ilagay ang green curry paste at 1 tasang tubig. Takpan at hayaan ng ilang sandali.
4. Ilagay na ang patatas, carrots at red bell pepper. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5. Huling ilagay ang gata ng niyog, tinunaw na cornstarch at timpalahan ng maggie magic sarap. Hayaan ng ilang sandali.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments