LUNCH BUFFET @ MARRIOTT HOTEL


Last October 19 and 20, 2012, um-attend ako sa Mariott Hotel sa Pasay City ng Leaders Conference para sa mga Senior Managers and Up ng Megaworld.   Ginagawa itong seminar na ito sa mga managers atleast once a year para ma-upgrade din naman ang mga empleyado.   This year Image Enhancement ang topic sa seminar naming ito.

30 lang kaming participants sa seminar na ito kaya naman mas naging maganda ang takbo ng aming seminar.

Magaling ang speaker ng seminar na si Ms. O ng OJL Consulting Group.   Isa siyang professional image consultant at talaga namang very practical ang kanyang mga tinuro sa amin.

Syempre, ang isa sa best part kapag may ganitong seminar.   Ang tsibug.   hehehehe.   Sa restaurant ng Mariott Hotel ginawa ang aming lunch.   This is the second time na makain ako sa resto na ito at hindi pa rin ako nabigo sa mga pagkaing nakahanda.

Starter ko ay itong fresh green salad (itaas na photo) ang aking kinain.   Maraming choices ng salad pero mas pinili ko na ako ang gumawa ng sa akin.  Arugula, with bacon bits and parmesan cheese ang aking ginawa at sinamahan ko na lang ng cold cuts at kautning melon salad.  Yummy ito!!!

Maraming choices na pwede mong subukan.   Second na kinain ko ito mix dimsum na ito.  Pork and Shrimp Siu Mai, steamed spareribs, char siu pork at kaunting roast chicken and duck.   Winner!!!

Third itong fresh sushi at ibat-ibang maki na nagustuhan ko talaga.   Sayang walgn tempura that time.   hehehehe

Sa main course hindi na ako masyadong naka-kain dahil sa busog.   hehehehe.   Kinuha ko na lang ito slice ng pizza, shrimp at Salmon with salsa.   Panalo pa rin.  hehehehe

For the dessert, kumuha lang akong ng 2 slices ng water melon, pineapple at 2 scoop ng gelato black forest and dulce latte flavor.   Ahhhh....busog na ako.

What good with this resto is yung, marami kang pwedeng pagpilian at pwede ding magpaluto ka the way na gusto mo.

Kagaya nitong ibat-ibang noodles na ito.   Bahala ka kung ano ang gusto mong ilagay sa iyong noodles.   Nagustuhan ko ko yung Laksa nila dito.

Yung mga chioces ng salad winner lahat.   Di ko man natikman lahat pero it looks good lahat.

Hindi na ako kumuha sa mga Filipino dishes na naka-latag.   Tutal naman kako nakakain ko naman siya palagi.   Pero marami pa rin pwedeng pagpilian.

Maraming klase ng maki.   Lahat naman masasarap.   Sayang nga lang at wala silang tempura that time.

Different kinds of pasta na lulutuin pa depende sa gusto ng customer.

Seafoods.   Ahhhhhh.... Dami ding choices.  Salmon at hipon lang ang kinuha ko dito.

May mga grilled vegetables din.   Pili ka na lang.

Breads at mga cheese...marami kang pwedeng pagpilian.

Fruits....magsawa ka sa dami.   May mga pastries din na pwede mong pagpilian.

May chocolate fountain with lots and lots na pwede mong i-dip.

Gelato at ice cream....you choice.   Yummy!!!

HIndi ko alam kung magkano ang buffet lunch dito sa Mariott Hotel Resto na ito.   Pero kung magkano man yun, tuyak kong sulit naman sa sarap at dami ng pwede mong kainin.   Dapat lang siguro ready kang kumain talaga kapag pumunta ka dito.

Try nyo.   It's in the ground floor of Mariott Hotel in Pasay city, katabi lang ng ResortsWorld Manila.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy