PEPPER and GARLIC ROAST CHICKEN
May taniman ng paminta ang lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas. Kaya naman basta nag-ani ang kanyang ina (na aking biyenan..hehehe), siguradong may supply kami ng paminta sa bahay.
Masarap sa mga niluluto ko ang pamintang ito. Puro kasi at tiyak na walang halo as compare dun sa mga nabibili sa palengke o supermarket. Di ba nga yung iba, kahit marami ka nang inilagay ay parang wala pa ring lasa. Ibig sabihin nun ay may halo yun na ewan ko kung ano. Hehehehe.
Nito ko sinubukang mag-roast ng chicken na itong purong paminta ang aking gamit na may kasama ding garlic powder. Wow! Ang sarap ng kinalabasan. Lasang-lasa mo talaga yung anghang ng purong paminta.
PEPPER and GARLIC ROAST CHICKEN
Mga Sangkap:
1 whole Chicken
1 tsp. ground black Pepper
2 tbsp. Garlic Powder
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Kiskisan ng asin (rock salt) ang katawan at loob ng manok. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang garlic powder, pamintang durog at maggie magic sarap. Haluin mabuti.
3. Imasahe ang pinaghalong sangkap sa katawan at loob ng manok. Mas matagal na masahe mas mainam.
4. Ilagay sa isang plastic at ilagay sa fridge ng overnight.
5. Lutuin sa turbo broiler sa init na 250-300 degrees. Hayaang maluto hanggang sa pumula ang balat.
Ihain na may kasamang gravy o paborito ninyong banana catsup.
Enjoy!!!!
Comments
Yes yes try it.....Kung may mga questions ka don't hesitate to email me or mag-message ka lang d2 s blog.
Thanks again