PORK CORDON BLEU


Mapapansin nyo siguro marami sa mga tradisyunal na pagkain ang ginagawan ko ng twist para maka-gawa naman ng isa pang panibagong dish.   Pinapalitan ko lang yung pangunahing sangkap at pareho lang yung ibang sangkap at pareho din lang ang pamamaraan ng pagluluto.

Kagaya ng pork menudo, pwede din na chicken ang gamitin o kaya naman ay fish fillet.   Kalderetang baka naman ay pwede din sa pork o chicken din.   Pork tocino pwede din sa chicken.   Kung baga, ikaw na ang bahala kung ano pa ang pwede.

Sa dish natin for today, Chicken Cordon Bleu pero pork version naman.   Ang key sa dish na ito ay yung maninipis na hiwa ng pork.   Sa supermarket may nabibili na ganito.   Tamang pagle-layer lang bago i-roll para makabuo ng isa.   Syempre ang tamang marinade sa karne ay kailangan din. 

Try it!   Ayos na ayos ito sa nalalapit na kapaskuhan.


PORK CORDON BLEU

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (thinly sliced)
Sweet Ham
Quick melt Chees (cut into 2 inches long)
5 pcs. Calamansi
1 pc. Egg beaten
Japanese Breadcrumbs
Salt and pepper to taste
Cooking oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.  I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta at katas ng calamansi.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Ilatag isa-isa ang maninipis na karne ng baboy sa isang plato at lagyan ng ham at cheese sa ibabaw.   I-roll ito ng dahan-dahan hanggang sa makabuo ng isang log.   Ilagay muna sa isang lalagyan.
3.   Ilubog sa binating itlog ang pork roll na ginawa at saka igulong naman sa japanese breadcrumbs.
4.  Ilagay muna ang lahat nang ginawang pork roll sa freezer. Hayaan ng mga 15 minutes bago i-prito.
5.   I-prito isa-isa ang pork roll na ginawa ng lubog sa kumukulong mantika at sa hindi kalakasang apoy.   Lutuin ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay ng lahat ng side.
6.   Palamigin muna sandali bago i-slice.

Ihain na may kasamang paborito ninyong tomato o banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Hi Sir Dennis! Ok lang po ba iovernight sa freezer ang pork roll tapos iprito kinabukasan?
Thanks po.
Dennis said…
Yup pwede basta wag lang sa freezer.
Dennis said…
Sa loob lang ng fridge...wag sa freezer.
Anonymous said…
ano kaya masarap na sauce para dito
Anonymous said…
aioli sauce po...
Dennis said…
Recipe naman ng aioli sauce mo. Salamat :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy