PORKCHOP ALOHA


Isa pang dish na napakadali lang lutuin na kahit bago palang nag-aaral magluto o hindi marunong magluto ay tiyak kong magagawa ito.   Porkchop Aloha.   Ayos na ayos din ito sa mga busy na mommy na nagmamadaling magluto for their kids makagaling nila sa kanilang trabaho.

Simple din lang ang mga sangkap sa dish na ito.   Porkchops, pinapple chunks o tidbits at pure honey bee. Pwede din na pineapple rings na pinirito ng bahagya ang gamitin para alohang-aloha ang dating....hehehehe.

Try nyo ito.   Simple dish, simple to prepare at masarap.


PORKCHOP ALOHA

10 pcs. Porkchops
1 big can Pineapple Chunks o Tidbits (reserve yung syrup)
1/2 cup Sweet Soy Sauce
1/2 cup Pure Honey Bee
1 large Onion chopped
5 cloves minced Garlic
 2 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin at paminta ang mga porkchops.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ang magkabilang side ng porkchops sa butter.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Ibalik ang porkchops sa kawali at ilagay ang syrup ng pineapple chunks.   Pwedeng lagyan din ng pineapple juice.   Ilagay na din ng toyo.   Takpan at hayaang maluto ang karne.
5.  Kung malambot na ang porkchops ilagay na ang honey, brown sugar at pineapple chunks.   Hayaan ng ilang sandali at hinaan ang apoy para di masunog ang sauce.
6.   Tikman ang sauce at -i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy