PRECIOUS MOMENTS with JAREN KATELYN
Last Sunday October 14, 2012, nag-anak sa binyag ang aking asawang si Jolly sa anak ng kanyang ka-officemate na si Doc Kaye. Ang pangalan ng bata ay Jaren Katelyn.
Maaga pa lang ay nasa simbahan na kami ng St. Joseph the Worker kung saan gaganapin ang pagbibinyag. Komo maaga nga kami dunmating, inabutan pa namin ang misa sa umaga at nag-hintay na lang kami sa labas n simbahan komo nakapag-simba na kami nung umaga na yun.
At habang naghihintay kami sa pagsisimula ng binyag, nag-picture-picture muna kami sa labas ng simbahan para di mainip. Hehehehe
Nakakatuwang pagmasdan ang bata habang binubuhusan ng tubig ng pare. Parang bang naririnig mo ang sabi ni Hesus sa bibliya na.."Hayaan nyong lumapit sa akin ang mga bata...sapagkat nasa sa kanila ang paghahari ng Diyos".
Sa mga Katoliko na katulad ko, mahalaga o precious ang ganitong pangyayari komo tinatanggap ng bata ag isa sa mga mahahalagang sakramento ng simbahan.
At katulad ng sinabi ng Pari na nag-binyag, mahalaga ang gagampanang papel ng mga ninong at ninang sa mga batang binibinyagan. Hindi lamang dahil sa pakimkim o sa regalong ibibigay, ang pagiging pangalawang magulang ang pinaka-mabigat na tungkulin ang naka-atang sa kanila.
At pagkatapos ng binyag....siyempre diretso naman sa mesa...hehehehe.
Sa Precious Moments Restaurant ginawa ang reception. Nasa may kanto lang ito ng Osmena Highway at Buendia. Nakakatuwa ang resto na ito dahil napapalibutan ito ng napaka-raming manika at figurine na mga angel.
Kami ang nauna sa buffet table. Inuna ko agad kuhanin ay itong fresh garden salad with thousand island dressing. Lettuce, tomatoes at cucumber lang ang kinuha ko. Gusto ko na kasing maka-kuha ng main course komo gutom na din ako...hehehehe
Ito ang mga pagkain na aking kinuha. Ang dami no? hehehehe. Pasta Carbonara, baked spare ribs, chicken teriyaki, beef with broccoli, calamares with sweet and sour sauce. Meron din palang soup na nagutuhan ko talaga. Hindi ko matandaan yung pangalan pero spinach daw yun na may silken tofu.
Hindi na ko nakuhanan ng pict yung 2 dessert na inihain. Chocolate mouse ba yun at mango graham cake.
Kasama namin sa table ang isa pang ninang na ka-officemate din ng aking asawa at ang anak ng kanilang boss na si Doc James.
Sa labas ng restaurant ay may malaking statue ng angel na ito na hindi talaga namin napigilan na magpa-picture. Hehehehe.
Truly a precious moments para sa buhay ng batang bininyagan na si Jaren Katelyn. Dalangin ko na sana ay lumaki siya mula sa biyaya ng Poong Maykapal.
AMEN.
Comments