SINAING NA TAWILIS

Sa mga probinsya katulad ng sa aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas, nananatili pa din yung pagka-simple ng buhay at ng kanilang pamamaraan sa pagluluto.   Simpleng mga sangkap at pamamaraan ng pagluluto ay parte pa din ng kanilang pang-araw-araw na pagkain.   Kapag de rekado na ang ulam, medyo espesyal na yun para sa kanila.

Isa sa mga napaka-simple nilang pang-ulam ay itong sinaing na isda.   Pangkaraniwan tulingan ang ginagamit nilang isda dito.   Minsan naman ay itong isdang tawilis.   Masarap ang isdang ito.   Kahit na may kaliitan, masarap naman ang laman nito.

Kapag nag-sasaing ng tawilis, binabalot nila ito sa dahon ng saging at pagkatapos ay tinatalian.   Komo wala namang puno ng saging sa condo namin sa Cubao (hehehehe), dahon na lang ng pechay tagalaog ang aking ginamit.   Masarap naman ang kinalabasan.


SINAING NA TAWILIS

Mga Sangkap:
1/2 kilo Fresh Tawilis
Pechay (yung dahon lang)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 thumb size Ginger (sliced)
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
1/2 cup Vinegar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl (microwaveable) ilagay ang dahon ng pechay at lagyan ng kaunting tubig.   Isalang ito sa microwave sa loob ng 1 minuto.   Palamigin
2.   Balutin ang isdang tawilis sa dahon ng pechay at ilagay sa isang heavy bottom na kaserola o palayok.
3.   Ilagay ang natitira pang mga sangkap:  Sibuyas, bawang, luya, asin, paminta, maggie magic sarap at suka.   Lagyan din ng 1 tasang tubig.
4.   Isalang sa apoy at hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sabaw.
5.   Tikman ang sabaw (patis) at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Espesyal talaga itong ulam na ito, kuya! Pede kaya ito sa mga isda dito?
Dennis said…
I think pwede din J.....pero ang pinaka-kailangan sa dish na ito ay yung dried kamias na pampaasim sa dish. hehehehe.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy