CHICKEN WINGS & PINEAPPLE in LECHON SAUCE

Pinaka-common sa prutas na inilalagay sa ulam ay itong pinya o pineapple.  Masarap kasi yung naghahalo yung asim at tamis sa pagkain.   Na-try ko na rin ang oranges pero mas okay pa din sa akin ang pinya.   Fresh man o yung nasa can ay ok lang.   Sa archive, marami na din akong recipes na nilalahukan ko ng pinya na ito.

Sa recipe ko ito for today, masasabi kong isa ito sa pinaka-madaling dish na naluto ko.   Sabi ko nga,  kahit siguro yung beginner sa pagluluto ay magagawa ang dish na ito.   Bakit naman hindi, simpleng gisa at lagay lang ng mga sangkap ay okay na.   Hintayin nyo na lang na malutong mabuti and then serve na.


CHICKEN WINGS & PINEAPPLE in LECHON SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Wings
1 can Pineapple Chunks
2 cups Mang Tomas Lechon Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion (sliced)
2 tbsp. Brown Sugar
4 pcs. Siling pang-sigang
2 pcs. Dried Laurel  Leaves
2 tbsp. Canola Oil
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang chicken wings at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaan munang masangkutsa.
3.   Sunod na ilagay ang sabaw ng pineapple chunks, brown sugar at lechon sauce.   Ilagay na din ang siling pang-sigang.   Takpan muli at hayaang maluto ang chicken wings.
4.   Huling ilagay ang pineapple chunks.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Ang creative mo talaga, Kuya! May gagayahin na naman ako hehehe. Hindi lang ako makapagluto lately kasi lagi kaming late nakakauwi from work kaya nakikikain na lang kmai sa mga biyenan ko hehehe
Dennis said…
Kaya pala bihira ka na mag-post sa mga recipe ko.....hehehe..sobrang busy mo sa work. Hinay-hinay lang friend at baka maabuso naman ang katawan mo.

Pwede mong gawin ito sa slowcooker...salang mo lang bago ka pumasok sa work and pagdating mo sa gabi may ulam ka na....hehehe.

Regards my friend...

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy