GOURMET SAUSAGES and EGG SCRAMBLED

Mula nang ma-discover ko ang sarap ng lasa ng mga gourmet sausages na ito, naging part na din siya ng aming agahan.   Hindi naman as in every week, pero basta nagustuhang bumili sa supermarket o specialty store.

Kagaya ng nasabi ko sa aking nakaraang post, medyo may kamahalan ang mga ganitong klaseng sausages.   Kagaya nitong nabili na 1/2 kilo ng Hungarian Sausage na ito, P175 siya for 1/2 kilo.   Napabili ako kasi may free na 20% or 1 pc. ng Italian Sausage.  Alam nyo naman ako basta may mga freebies napapabili talaga ako.   hehehehe

Yung Italian sausage at 2 piraso nung Hungarian ang inilagay ko sa Cicken stew na post ko kahapon.   Yung 6 na piraso (tama ba bilang ko? or 5 lang) ay ginawa kong ngang pang-ulam sa aming breakfast.

Para dumami at magkasya sa aming lahat, niluto ko ito with scrambled egg.   With little minced garlic, onions and tomatoes, naging masarap ang aming agahan that morning.  hehehehe



GOURMET SAUSAGES and EGG SCRAMBLED

Mga Sangkap:
5 to 6 pcs. Hungarian or any kind of Sausages (sliced)
4 pcs. Egg (beaten)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
salt and pepper to taste
2 tbsp. Butter or Olive oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang hiniwang sausage sa butter o olive oil hanggang sa pumula ng bahagya.
2.   Sunod na igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.   halu-haluin.
3.   Ilagay ang binating itlog.   Ikalat ito sa paligid ng kawali at hayaang mabuo ng konti.
4.   Kung medyo naluto na ang itlog, timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap at halu-haluing mabuti.
5.  Hanguin na kung naluto nang maigi ang itlog.

Ihain na may kasamang mainit na sinangag o kaya naman ay hot pandesal.

Enjoy!!!1

Comments

J said…
Ahehe ako rin nakabili ng gourmet sausage kanina kuya. Sale din - 2 for $5. Tapos may S1 off coupon ako kaya $2 lang isa. Winner diba? ;-)
Dennis said…
Sarap niyan.....hehehehe...anong klase nabili mo?
Anonymous said…
you're the best talaga kuya. thank you.
Dennis said…
Salamat Anonymous...Pakilala ka naman. :) Also, pa-click naman ng mga ads and share mo din itong blog among your friends and relatives.

Merry Christmas

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy