HARDINERA ala Dennis

Ang Hardinera ay isang pork dish na sikat o tanyag sa probinsya ng Quezon.   Isa itong dish na pangkaraniwan mong makikita sa mga espesyal na okasyon katulad ng fiesta, kasalan o binyagan.   Espesyal ito marahil komo maraming sangkap na inilalagay para mas lalo pang sumarap.   Kung titingnan mo ito para din lang itong meatloaf o embotido.   Ang pagkakaiba nito ay medyo chuncky o malalaki ang hiwa ng mga karne.

Sa totoo lang, pumalpak ako sa version kong ito.  No not in the taste, kundi sa paraan ko ng pagluluto.   Dumikit kasi yung bottom ng llanera sa laman kaya hindi naging maganda nang itaob ko na ito sa plato.   Sayang.   Ang highlight pa naman ng hardinera any yung decoration o yung mga goddies na nakalagay s bottom ng llanera na kapag tinaob mo na sa lalagyan ay magandang tingnan at katakam-takam talaga sa mata.   Kaya ang pamamaraan na nandito ngayon ay ang corrected version na.  Try nyo din ito.


HARDINERA ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim o Pigue (hiwain ng pa-cube na parang pang-menudo)
1/2 cup Sweet Pickles (sliced)
2 tbsp. Worcestershire sauce
1 large Carrot (cut into cubes...same size as the pork....magtira para pang garnish)
2 pcs. Potatoes (cut into cubes...same size as the pork)
1 large Red Bell Pepper  (cut into cubes...same size as the pork....magtira para pang garnish)
1 can Vienna Sausage (cut into cubes)
1 cup All Purpose  Cream
8 pcs. Freshh Egg
4 pcs. Hard Boiled Eggs
2 tbsp. Butter
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng  pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.   Halu-haluin.
2.   Isunod na ang hiniwang karne ng baboy.  Timplahan ng asin, paminta, sweet pickles at worcestershire sauce.   Takpan at hayaang masangkutsa.   Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan hanggang sa lumambot ang karne.
3.  Kung malapit ng lumambort ang karne, ilagay na ang patatas, carrots at red bell pepper.
4.   Kung malambot na ang patatas, ilagay na ang  all purpose cream at vienna sausage.   Hayaang kumulo hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Palamigin ang nilutong karne.
6.   Ihanda ang mga llanera na paglalagyan ng hardinera.  Para hindi dumikit ang karne sa bottom ng llanera, lagyan ito ng dahon ng saging o kaya naman ay plastic.   Pwede din ang wax paper.
7.   Lagyan ng hiniwang nilagang itlog, carrots na nilagyan ng design, red bell pepper ang bawat llanera.
8.   Sa isang bowl, batihin ang 8 itlog ( o higit pa) at ihalo ang pinalamig na nilutong karne ng baboy.   Konti lang ang ilagay na sauce.   Haluing mabuti.
9.   Ilagay sa llanera ang karne na inihalo sa binating itlog.
10.   Balutin ng plastic ang bawat llanera para hindi pasukin ng tubig habang ini-steam.
11. I-steam ito ng mga 15 minuto o higit pa hanggang sa mabuo.
12.  Palamigin sandali bago alisin sa llanera.

Ihain ito na may kasamang catsup.   Maaari ding lagyan ng melted cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Ngayon ko lang narinig yang dish na yan kuya! Pero mukhang masarap!
Dennis said…
Thanks J....kagaya nga ng nasabi ko....halos kapareho lang siya ng embotido. Yun lang ang hiwa ng karne nito ay para namang menudo. Alam mo kung ano ang ginamit ko dito sa hardinera na ito? Yung leftover ko ng white menudo. O di ba? hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy