HERB-STUFFED PORK BELLY

Isa sa mga food blog na madalas kong pagkuhanan ng magagayang recipes ay itong yummy.ph.   Marami kasi silang recipes doon na madali lang sundan at masasarap talaga.   Kapag medyo nauubusan na ako ng idea, itong site na ito ang aking takbuhan.

Kagaya nitong recipe natin for today.   Herb-stuffed Pork Belly.   Yes, marami na din akong nagawang roasted pork belly or lechon kawali sa archive.  Pero ang isang ito ay medyo espesyal komo nilagyan ko pa ito ng herbs and spices.

Dun sa mga nauna kong version, isinasama ko lang ang mga herbs and spices sa pagpapakulo ng pork belly.  But in this version, dinikdik ko ang mga herbs and spices at saka ko isiningit in-between fats at laman ng baboy.   Also, in the original version, pinirito ang liempo sa kumukulong mantika.   Ofcourse ayoko namang matalsikan ng mantika kaya sa turbo broiler ko na lang ito niluto.

Ang masasabi ko lang, isa na namang version ng lechon kawali ang nagawa ko na maipagmamalaki ko talaga.   Salamat sa Yummy.ph.



HERB-STUFFED PORK BELLY

Mga Sangkap:
About 1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
3 tangkay Lemon Grass o Tanglad (white portion only)
A bunch of fresh Basil Leaves
1 head Garlic
1 tbsp. Whole Pepper Corn
2 tbsp. Rock Salt

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwaan ng mga 1/2 inch na lalim ang pork belly sa pagitan ng laman at taba.   Hiwaan din ang balat.
2.   Timplahan ng asin ang paligid ng pork belly.   Lagyan lahat ng kasingit-singitan nito.
3.   Dikdikin ang basil leaves, paminatang buo at bawang.   Isama na din ang hiniwang puting bahagi ng tanglad.
4.   Ipasak o ipalaman ang dinikdik na herbs and spices sa mga hiwang ginawa sa pork belly.  Hayaan ng mga 1 oras.   Overnight mnas mainam.
5.   Pakuluan ang pork belly sa isang kaserolang may tubig hanggang sa medyo lumambot na ito.   Palamigin sandali bago isalang sa turbo broiler.   Ilagay sa freezer kung malamig na.
6.   Tusuk-tusukin muna ng tinidor ang lahat na bahagi ng balat ng pork belly bago isalang sa turbo broiler o i-prito.
6.  Lutuin muli ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting hanggang sa pumula at mag-pop ang balat nito.
7.   Palamigin muna bago hiwain.

Ihain ito na may kasamang suka na may calamansi, toyo at sili.  Pwede din ang Mang Tomas Sarsa ng Lechon.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ahahay, nakakapag-palaway yang pork belly na yan!
Dennis said…
Hahahahaha....marami kayong nagsabi ng ganyan. Pero tama ka, kahit ngayong nagre-reply ako sa iyo natatakaw ako sa pork belly na ito....hehehehe
anonymous paul said…
Hi Dennis, more or less how long cooking time? thanks!
Dennis said…
Hi Paul..Siguro mga 45 minutes to 1 hour....Hanggang sa pumula ang mag-pop na ang balat.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy