MIKI-PATOLA-BOLABOLA SOUP

Ito yung second dish na niluto ko mula sa mga pork bola-bola na aking ginawa.  Miki-Patola-Bolabola Soup.   Soup siya pero pwede din namang gawing pang-ulam na katulad na rin ng ating mga lutong sinigang, tinola o nilaga.  

Lumaki din ako sa mga ganitong klaseng ulam.   Pwede din na misua, sotanghon o bihon ang noodles na gamitin sa soup dish na ito.   Naisip ko lang na miki ang gamitin komo gusto ko ito at matagal-tagal na din na hindi ako nakaka-kain nito.   Hehehehe.   Try it.  Ayos na ayos ito sa medyo lumalamig na na panahon.   hehehehe



MIKI-PATOLA-BOLABOLA SOUP

Mga Sangkap:
12 pcs. Pork Bola-bola (please see recipe in my previous post)
1 large Patola (sliced)
150 grams Miki Noodles
1 pc. Egg
1 liter Pork Broth or 1 Knorr Pork cubes
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Spring Onion for garnish
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Canola Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Igisa na ang sibuyas at ilagay na ang pork broth.   Kung wala naman, lagyan ng tubig sa nais na dami ng sabaw.
3.   Kapag kumukulo na ang sabaw, ilagay na ang mga bola-bola.  Takpan at hayaang kumulo sa loob ng mga 10 minuto.
4.   Ilagay na ang miki, patola at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Alalay sa asin dahil maalat na ang miki at ang broth.
5.   tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang binating itlog at haluin para di mabuo.

Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng toasted garlic at chopped spring onions sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy