MY PINOY MASTERCHEF AUDITION EXPERIENCE


Braised Chicken in Honey-Lemon-Ginger Sauce.   Yan ang dish na inilaban ko nung nag-audition ako para sa MasterChef Pinoy Edition ng ABS-CBN channel 2.

Actually, more than a year na ang audition na yun (September 14, 2011).   Kakaumpisa pa lang ng Junior Edition ay nagpa-audition na sila kung saan-saang parte ng Pilipinas.  At eto, sa darating na November 12, 2012 pa lang ito ie-ere sa channel 2.

Ngayon ko lang ito ipinost komo nasa agreement o kontrata sa audition pa lang na hindi kami pwedeng mag-disclose ng kahit ano pa man ng tungkol sa contest na ito.   At komo sa November 12 na nga ang simula ng show at hindi naman ako nakasali, (hehehehehehe), minarapat kong i-share na din ang experience ko sa unang pagkakataong mag-audition ako sa ganitong klaseng reality cooking show.

Sa Oceana Restaurant and Events Place ginanap ang audition para sa Manila.   Matatagpuan ang place na ito malapit lang sa SM Mall of Asia sa Pasay.

Matapos kong maihanda ang pag-pasok ng aking mga anak sa school, ay naghanda naman ako para sa audition.   Yung dish pala na ipinang-audition ko ay siya ring baon sa school ng aking mga anak that day.

Wala akong idea sa kakahinatnan ng audition kong ito.   Komo first time, hindi ko alam ang dapat kong dalhin.   Basta ang sabi lang naman sa announcement ay magdala ng especialty dish.   Pinagdadala nga ako ng plato ng aking asawang si Jolly pero tumanggi ako.   Sa isip ko kasi, titikman lang naman ng mga judges ang dish na dala ko.   So no need na ng plato.

Maaga akong dumating sa lugar.   Nagulat ako kasi napakarami ng tao sa naka-pila (pict sa itaas) at mayroon nang mga number.

Bandang alas-8 ay pinapila na kami ng 1 linya.   Yun pala kukuhanan na ng VTR ang pila na nagaganap.   Kaway naman syempre ako nang matapat na sa akin ang camera.   hehehehe

Alas 9 ng umaga nang papuntahin kami sa isang area sa may likod ng venue na may nakahilerang upuan na 10 chairs bawat row.   Yun pala bale ang groupings.   Sampu-sampu per group ang papasok sa harap ng mga judges.   I think pang 6th na group ako.

Nasa pict sa itaas ay kung saan ipinapaliwanag ng organizer ng auditon kung papaano ang magiging sistema ng audition.

Halo-halo ang mga nag-auditon.   May mga bata at matanda.   May ordinaryong tao kung titingnan at mayroon ding parang mayaman na todo dala halos ang buo nilang bahay.  hehehehe

Ang sistema, may mesa na nakahanda sa may malapit sa pasukan ng audition area
.   Dito ihahanda muna ng mag-a-audition ang kanyang dish o plating na tinatawag.   Laking gulat ko dahil ang unang batch ay talagang handang-handa sa kanilang mga daladala sa pagpe-plating.   Para tala silang mga propesyunal na chef na.   Samantalang ako, ang dala kong dish ay naka-lagay lang sa microwaveable container.   Medyo nag-alala ako that time.   Para kakong madadale ako sa first impression.  Parang walang kadating-dating ang aking dala.

Habang naghihintay, naringgan ko ang aking katabi sa pila/grupo na kausap ang kanyang anak at nagpapabili ng platong puti para dalhin sa kanya.   Nasa styro lang kasi din ang dala niyang dish.   Nang marinig ko yun, sumenyas ako na idamay na ako ng para sa akin at pumayag naman siya.

Dumating na ang time para ang grupo naman namin ang magpe-plating.  Todo ang kaba ko dahil wala pa ang plato na pinapadala ng anak ng aking katabi na mag-audition din.   Ang nangyarim, basta inilapag ko nalang ang aking dala sa mesa.   Buti na lang ng mga ilang sandali pa ay dumating na ang plato.   Kaya ayun, kami dalawa ng aking katabi ang pinagtitinginan ng marami habang nagpe-plating.   Buti na lang din ang nakapag-dala ako ng extra slices ng lemon para pang-garnish ko sa dish.

Ang picture sa ibaba ang aking mga kasabayan sa aming grupo.   Yung plate ng yellow rice sa gitna na may red na flower ba yun o tomato, yun yung dish na dala ng aking katabi sa pila.   Biryani rice ata ang tawag sa dish na dala niya.

Bago mag-12 dapat ay kami na ang sasalang.   Nakatayo na kami sa pila papasok sa audition room ng sabihin sa amin na sa 1pm na lang daw kami dahil mag-break muna ang mga judges.

1pm nga ay nag-resume ang audition.   Ganito ang sistema:   Sampu-sampu nga ay papasok sa auditon room.   May mahabang mesa sa harap kung saan ipapatong ang iyong dalang dish at nasa harapan naman ang mesa ng mga judges.   Isa-isang pupunta sa harapan ng mga judges ang bawat isa at ito ay naka-VTR na.  Pagsasalitain ka nila tungkol sa iyong buhay at sa iyong dalang dish.   May mga tanong din sila na ibinabato sa iyo habang tinitikman naman nila ang iyong dalang dish.   Pagkatapos nito ay may waiting area sa labas ng venue kung saan naman hihintayin nyo kung sino ang pasok para sa second round.

Laking tuwa ko dahil sa group namin isa ako sa dalawang nakapasok para sa second round.   Ang binanggit pala sa mga nakapasok ay yung pangalan ng dish na dala mo.   Yung mga hindi nakapasok ay pinauwi na at kami naman ay pinapunta sa isang area kung saan pinag-fill-up kami ng ilang pages na parang test na napakaraming tanong.   Kinunan din kami ng picture na may hawak na cardboard kung saan nakasulat ang aming pangalan at number.

After noon, isa-isa naman kaming in-interview.   Mahaba ang interview.  Kabilin-bilinan sa amin ay yung pawang katotohanan lamang ang sasabihin dahil malalaman din daw nila kung totoo yung mga sinasabi namin.

Sa madaling salita, 3:30pm na nang hapon ako nakatapos ng audition.   Tatawagan daw kami kung pasok naman kami sa 3rd round ng competition.

Umalis ako ng audition venue na masayang-masaya kahit gutom na gutom.  hehehehe.  Imagine wala akong breakfast at lunch....hehehehe.

Kahit pagod at gutom ay masaya pa rin akong umuwi.   Ganun pala kako ang sumali sa ganoong reality cooking show.   Sabi rin nga ng katabi ko na napagbilhan ko ng plato, kahit hindi daw siya makuha sa competition na yun ay okay lang sa kanya dahil masaya ang aming naging experience.   Ganun din ako.   Hindi man pinalad na mapasama sa final competion, siguro ay hindi ganun ka-drama ang aking buhay....hehehehe.....ay masaya na din akong naging bahagi ng competition na yun.

Hindi man ako nakasali, manonood pa din ang sa show na ito sa November 12.   Malay ko, baka yung mga nakasabay ko sa audition ay nandun din.   hehehehe



Till next.   Malay nyo sa next edition ng MasterChef Pinoy Edition ay makapasok na ako....hehehhe.   I hope pasok pa ang idad ko....hehehehe.

Have a nice day!!!!

Dennis

Comments

i♥pinkc00kies said…
There's always a next time :)
Dennis said…
Thanks pinkcookies.....hehehehe....masaya pero mahirap ang pagsali sa mga ganitong contest. Isa pa, parang hindi sulit yung 1M na prize for how many weeks ng laban. Babawasin pa yung 20% for government tax, so 800k na lang ang natira. I dont know kung may next time pa talaga sa akin....hehehe.
Anonymous said…
try and try lang! sayang ang galing mo pa naman magluto! excited na rin ako sa show, palagi ko pinapanood yung masterchef US edition eh...
J said…
Galing naman ni kuya! At least finalist diba! Congrats pa rin!
Anonymous said…
Naku Sir, sa dami ba naman ng nag-audition, pumasok ka pa rin sa round 2. Yung iba, simula pa lang, wala na. At least you had the chance to experience being in an audition. For us your readers, you will always be our MasterChef!..... Mommy Marie
Dennis said…
Thanks Cecil....I hope may pagkakataon pa....hehehehe. Excited na din akong mapanood yung show...baka makita ko yung kuha ng vtr nung nag-audition ako....hehehehe
Dennis said…
May sinabi ba akong finalist? Wala naman di ba? hehehehe... Hanggang second round lang ako....hehehe

Thanks J
Dennis said…
Thanks Mommy marie....Yup..happy na din ako at naging bahagi ako ng MasterChef Pinoy Edition show na ito. I think in Manila only nasa 2,000+ ang nag-audition.... ang yung makapasok lang sa round 2 ay accomplishment na din para sa akin.

Thanks again for the support.

J said…
I mean finalist sa 2nd round! :-)
Dennis said…
Hahahaha....sige na nga....atleast hanggang 2nd round.....hehehehe
saoirse said…
sarap nga ng recipes nyo sir..natry ko n lutuin ung fish fillet nu at thai chicken..nakakapagtaka bakit d kau nakapasok..join ulit kau nxt tym
Dennis said…
Thanks saoirse....di ako nakuha...di daw kasi madrama ang buhay ko.....hehehehehe. BUt I really enjoy the experience. Yung isang nakasama sa top 16 naka-sabay ko yun...Yung Carmen ang pangalan.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy