PESANG PINK SALMON


Sa mga klase ng isda na kilala ko, itong Pink Salmon ang pinaka-paborito ko.  Isunod mo na din ang isdang tanigue at tuna.   Gustong-gusto ko ang mga isdag ito, yun lang medyo may presyo ang mga ito kaya hindi naman kami madalas makakain nito.

Sa mga ganitong klase ng isda na malasa at masarap, mainam na yung pinaka-simpleng luto lang ang dapat na gawin.   Ang ibig kong sabihin ay yung luto na walang masayadong rekado o sahog na inilalagay.   Bakit?   Kasi nga masarap na ang mga isdang ito.   Hindi mo na malalasahan ang tunay nilang sarap kung lalagyan mo pa ng kung ano-ano.   Madalas nga asin at paminta lang at i-ihaw mo na o pan-grilled ay panalo na ito.

Ganun ang ginawa ko dito sa 1/2 kilo ng Pink Salmon na nabili ko nitong isang araw sa Farmers market sa Cubao.  P550 ang kilo nito kaya half kilo lang ang aking kinuha.   So maliwanag na P275 ang 3 slices ng Salmon na ito na aking nabili.   At para magkasya sa amin, sinabawan ko ito at nilagyan ng gulay.   Wow!   Enjoy ang lahat sa napaka-simpleng dish na ito.


PESANG PINK SALMON

Mga Sangkap:
1/2 kilo Fresh Pink Salmon
2 tali Bok Choi o Pechay tagalog
2 tangkay na Leeks (slice)
2 thumb size Ginger (balatan at saka pitpitin)
1 large Onion (slice)
1 tsp. Whole Pepper Corn
2 tbsp. Patis
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig (nasi na dami ng sabaw) at ilagay ang luya at sibuyas.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
2.   Ilagay na ang isda pati na ang leeks at bok choi.  Timplahan ng patis, maggie magic sarap, pamintang buo at asin pa kung kinakailangan.   Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda at gulay.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Ginawa ko po itong recipe na ito ang sarap po talaga and healthy! thanx a lot po sir dennis
Dennis said…
Thanks ha...ano nga name mo para hindi naman anonymous ang mapasalamatan ko din....hehehe.

Request ko lang...sana i-share mo din itong food blog kong ito sa mga friends at relatives mo. Also, paki-click naman yung mga ads para kahit papaano ya maka-earn ako ng points sa Google.

Thanks again.


Dennis
Anonymous said…
Love your blog & simple recipes

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy