PORK TAPA
Ang pagtatapa ang makalumang paraan ng pagpe-preserba ng mga pagkain kagaya ng karne o isda. Komo wala pa namang refrigerator noong araw, itong pagtatapa ang ginagawa nila para hindi mabulok ang mga hilaw na karne o isda. Madali lang ang mag-tapa. Aasinan mo lang ang karne, lalagyan ng suka at ibibilad sa araw. Pwede din naman na hindi na ibilad. Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang madaling pagkabulok ng karne at maaari pa ding kainin sa mga susunod pang mga araw.
Kahit sa panahon ngayon marami pa rin ang nagtatapa ng karne. Masarap kasi talaga ito. Ang mainam pa sa tapa, yung alat at lasa lang talaga ng karne ang iyong malalasahan. Kaya naman ang sarap-sarap nito sa almusal lalo na kung may kasamang sinangag na kanin na maraming bawang at sawsawang suka na may sili. Samahan mo na din ng mainit na kapeng barako, tiyak ko magiging maganda ang iyong umaga. hehehehe
PORK TAPA
Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim o Pigue (thinly sliced)
1 cup Cane vinegar
2 heads minced Garlic
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang karne ng baboy.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang suka at ang dinikdik na bawang.
3. Ibuhos ang suka an may bawang sa karne ng baboy at haluing mabuti. Ilagay sa isang container na may takip at ilagay sa fridge. Hayaan ng mga 3 araw bago lutuin.
4. Kung lulutuin na, maglagay sa kawali ng nais na dami ng tapa. Lagyan din ng marinade mix at hayaang maluto hanggang sa mawala na ang marinade mix.
5. Lagyan ng kaunting mantika at hayaang ma-prito ang mga tapa. Hanguin na kung mapula na ang magkabilang side ng karne.
Ihain na may kasamang mainit na sinangag at sawsawang suka na may sili.
Enjoy!!!!

Comments
Merry Christmas!