ANG UNANG PASKO
Ano ba ang Pasko para sa atin? Alam pa ba natin kung saan ito nagsimula at kung ano ang kahulugan nito sa ating buhay?
Nakakalungkot na parang nawawala na ang tunay na kabuluhan nito. Parang mas pinapahalagahan pa natin ang paghahandang materyal kaysa sa espiritual. Sana both. Aminado ako na gayun din ako.
Sana lang, huwag nating kalimutan ang kahulugan ng unang Pasko. Na kung saan ang isang sanggol ay isinilang sa isang hamak na sabsaban para sa ikakaligtas nating lahat mula sa kasalanan.
Siya si Hesus o Kristo na madalas ay inaalis natin sa ating pasko (Christmas ginagawang Xmas). Siya ang dahilan kaya mayroon tayong Pasko. Sana ay maging una siya sa ating paghahanda dahil para sa kanya ang araw na ito.
MALIGAYANG PASKO sa LAHAT!!!!
Comments