CRISPY GARLIC PORK BELLY

Hello!   Pasensya na po at ngayon lang ulit ako nakapag-post ng recipe.   Sunod-sunod po kasi ang party na aking dinaluhan nitong mga nakaraang mga araw at wala na po talagang time para makapag-prepare at makapag-post dito sa blog.

But anyway, narito po ang isang simpleng dish na napakadali lang lutuin at natitiyak kong inyong magugustuhan.   Napakasimple ng mga sankap at pamamaraan ng pagluluto ng dish na ito.  Komo nga sobrang busy ko at gabi na ako nakakauwi, niluluto ko na ang pang-ulam ng mga bata sa umaga pa lang para may ulam na sila na pang-diner.  Init na lang sa microwave ay ok na.  But ofcourse masarap ang ulam na ito ng bagong luto at mainit-init pa. 


CRISPY GARLIC PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (Piliin yung di masyadong makapal ang taba)
2 tbsp. Garlic Powder
1 cup Cornstarch
1 cup Rice Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at garlic powder ang lahat ng pork belly.   Hayaan ng mag 30 minuto hanggang 1 oras.   Overnight mas mainam.
2.   Sa isang plastic bag, ilagay ang pork belly, cornstarch at rice flour.   Lagyan ng hangin ang loob ng plastic bag, isara at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat ng pork belly.
3.   I-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.
4.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang suka na may bawang, sili at kaunting asin.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
san makakabili ng rice flour? hindi ba pwedeng all purpose flour na lang?
Dennis said…
Hi Cecil. Pwede naman ang all purpose flour, pero ang rice flour kasi mas matagal ang pagka-crispy niya pag ito ang ginamit kasama ang cornstarch. Ang harina kasi pag nahanginan lumalambot na siya. Pero kung after cooking naman ay kakainin na agad, ok lang ang flour. Yung sa fried chicken ng Chowking rice flour ang ginagamit nila laya ganun ka-crispy ang chicken nila.

Thanks Cecil :)


Dennis
Dennis said…
Saan nakakabili ng rice flour? Kung nasa Pilipinas ka, sa SM supermarket mayroon. KUng hindi naman, sa mga asian specialty store meron for sure.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy