Kapag sinabing Pilipino food hindi mawawala ang kare-kare sa ating mga listahan. Ofcourse ang ating adobo at sinigang ang tiyak na nauuna dito. Pinoy na pinoy ang dating ng kare-kare. Bukod sa mga gulay na sahog nito, panalong-panalo din ang kasama nitong bagoong. Madali lang magluto ng kare-kare. Tambog-tambog lang ng mga sangkap ay okay na. Ang pinaka-importante na dapat nating tandaan sa dish na ito ay yung freshness ng mga gulay at ang masarap na bagoong na gagamitin. Kung hindi kasi masarap ang bagoong, parang walang buhay ang kare-kare nyo. Kare-kare is not kare-kare kung walang bagoong. To be safe, bumili na lang tayo ng mga bottled na bagoong sa supermarket. Mas masarap yung sweet and spicy ang flavor. KARE-KARE Mga Sangkap: 1 kilo Beef face o buntot ng baka (cut into serving pieces) Puso ng saging Sitaw Pechay Tagalog Talong 1 cup Ground Toasted Rice 1 cup Ground Toasted Peanuts or 1 cup peanut butter 1/2 cup Anato oil or Achuete 1 head minced Garlic 1 large Onion sliced salt...
Ito ang isa pa na niluto sa aming salo-salo sa Batangas. Si Beth na balikbayan from Ireland naman ang sponsor nito. Pagdating pa lang namin, nakita ko nang busy siya sa paghihiwa ng mga sahog ng pancit na ito. Kung baga, siya ang namili ng mga pansahog at siya na ang nag-ready nito. Ako lang ang nagluto. Pancit Bihon na may canton ang gusto niya. Pitso at atay ng manok ang mga sahog. Baguio beans, carrots at kinchay naman ang lahok lang na gulay. Ayaw niya maglagay ng repolyo dahil madali da itong mapanis. Masarap naman ang kinalabasan ng aking pancit. Inihain namin ito sa lunch at may natira pa para naman sa snacks. Enjoy naman ang lahat. PANCIT CANTON AT BIHON GUISADO Mga Sangkap: 1/2 kilo Pancit bihon or rice noodles 1/4 kilo Canton or Egg noodles 2 whole Chicken Breast (pakuluan at himayin - itabi yung pinaglagaan) 5 pcs. Atay ng Manok (pakuluan at hiwain ng maliliit - itabi yung pinaglagaan) 1 large Carrots cut into strips 200 grams Baguio beans cut into 1 inch ling 1 cup Chopped...
Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang alamang na itinitinda sa mura lang na halaga. Isang maliit na tiklis ay P50 pesos lang. So kumuha o bumili ako ng isang maliit na tiklis. Siguro mga 1 kilo din ito. Ang alamang ay yung maliliit na hipon na kadalasang ginagawang bagoong. Sa amin sa Bulacan niluluto din namin ito na ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis at saka nilalahukan ng dahon ng kinchay. Inuulam namin ito kasama ang hinwang kamyas o manggang hilaw. Yummy! Nung binili ko ang alamang na ito, dalawang luto ang nasa isip kong gawin. I-torta nga ang isa at ang isan naman ay gawing bagoong. At eto na nga ang aking Tortang Alamang. Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang o kaya naman ay sa banana catsup. Try nyo din po. TORTANG ALAMANG Mga Sangkap: 1/2 kilo Sariwang Alamang 2 pcs. Fresh Eggs 1-1/2 cups Harina 2 pcs...
Comments