IT-SDG CELEBRATES CHRISTMAS @ THE MANILA OCEAN PARK 2012

Basta panahon ng Kapaskuhan, lahat tayo ay abalang-abala sa mga shopping, pagdalo sa kabi-kabilang Christmas Party at paghahanda sa Noche Buena.   Pansin nyo siguro na-late ang post ko nitong nakaraan dahil nga sa mga okasyong ito.

Isa na dito ang celebration namin ng aming Christmas party sa aming departamento nitong nakaraang Sabado December 15.   Hindi naman talaga party as in yung party na may mga programs at parlor games.   Kami sa nakaraang 5 taon, lumalabas kami as in pasyal kung saan-saan at kain naman sa gabi.   At sa taong ito nga, napagpasyahan naming sa Manila Ocean Park pumunta.

Napunta na ako sa pasyalang ito.  1 week pa lang ata ito nag-open ay napuntahan na namin ito dahil sa field trip ng aking mga anak.  Napamangha ako sa dami ng pagbabago na aking nakita.   Marami nang mga attractions at mas marami na ang mga isda.   Hehehehe.


Mga 2:30pm na kami nakarating sa lugar.   Bago kami pumasok sa oceanarium, nanood muna kami ng bird show dahil malapit na itong magsimula.   Yun lang parang hindi namin ito masyadong na-enjoy komo napakainit ng sikat ng araw.   Simple lang ang palabas pero okay naman.

 Next na pinuntahan namin ay ang main attraction ng Manila Ocean Park.   ang Oceanarium.   Malaki na din ang ipinagbago nito.   Maraming nadagdag na isda at marami din ay nagsilakihan na.

 Excited kaming lahat na makapasok at makita ang ibat-ibang uri ng isda na sa libro o internet lang natin nakikita.

Namangha kami sa naglalakihang Pampano at talakitok.  Sabi ko nga, papaano ko kaya ito lulutuin?   inihaw o sinigang?   hehehehe

Wagas talaga ang naging pamamasyal naming ito.   Namangha kami sa yaman ng dagat na ibinigay sa atin ng Diyos.

 Papalubog na ang araw noon nung nasa second floor kami sa may attraksyon na Antartica.   Hinintay talaga namin ang paglubog ng araw komo ito nga ang isa sa pinakamagandang sunset sa buong mundo.

Pumila kami ng may katagalan sa Fish Spa komo kasama ito sa package na aming nakuha.   Nakakatuwa ang mga isda kasi parang kang kinikiliti habang kagat-kagat nila ang iyong paa.   hehehehe.

 Eksaktong pagkatapos ng fish spa ay tumuloy naman kami sa Musical Fountain Show.   Hindi na namin ito nakuhanan ng picture dahil sa pagkamangha ng high-tech na palabas na ito.

Pagkatapos ng show ay tumuloy naman kami sa Dampa sa may Macapagal Ave. para sa aming dinner.  Nahirapan kaming makakuha agad ng place komo napakaraming tao nung mga oras na iyon.

Dalawa ang tema ng pagkain dito.  Pwede mag-order ka lang o kaya naman ay magpapaluto.   Bibili ka muna sa kalapit na pamilihan ng mga sariwang isda, karne at shell fish at saka mo ito paluluto sa resto na napili mo.   Ikaw na din ang magsasabi kung ano ang luto na gusto mong gawin nila.

Narito ang mga pagkaing aming pinagsaluhan:    May sinabawang halaan, crispy calamares, buttered shrimp, inihaw na liempo, inihaw na tuna belly at leche plan para dessert.   Masarap ang lahat sana maliban sa inihaw na tuna belly.   Hindi na kasi siya ganun ka-fresh at pag kinain mo ay may kati sa labi.   Nang i-reklamo namin ito ay agad naman silang umaksyon at pinalitan ang tuna belly.   Hindi na namin ito ipinaluto at iniuwi na lang komo, sobra-sobra talaga ang mga pagkain namin noon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpa-order ako ng ilang boteng beer at sinimulan naman namin ang kantahan sa videoke.   12 na kami natapos at masaya naming nilisan ang lugar na yun.

Dalangin ko na sana ay magkasama-sama pa kaming muli para ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus na siyang dahilan kung bakit may Pasko.


MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!!!!

Comments

Unknown said…
Hi Chef,

Kamusta po?

Baka po gusto nyo Limited Tickets of Manila Ocean Park. You can avail in a very low low price. :)

Eto po yung mga packages:

Package 1 (6-in-1)
6 Attractions
*Yexel Museum
*Oceanarium
*Trails to Antarctica
-Penguin's Exhibit
-Snow Village (-15 temp)
*Sharks and Rays Dry Encounter
*Birds of Prey Kingdom
*Fish Spa
Offer Price: P600
Published Rate: P1750

Package 2 (9-in-1)
9 Attractions
*Yexel Museum
*Oceanarium
*Trails to Antarctica
-Penguin's Exhibit
-Snow Village (-15 temp)
*Sharks and Rays Dry Encounter
*Birds of Prey Kingdom
*Fish Spa
*Jellies Exhibit
*Penguin Talkshow
*Musical Fountain Show
Offer Price: P900 only
Published Rate: P2350

Promo til April 2015 only
Tickets are valid until December 10, 2015

Message nyo lang po ako if interested. :) Pwede din po magresell. :) Thank you very much.


April

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy