MIXED SEAFOODS and PENNE PASTA in WHITE SAUCE
Sa nakaraang Noche Buena, nais kong ibahagi sa inyo ang mga dish na inihanda ko para sa aking pamilya. Syempre naman basta para sa aking mga mahal sa buhay, espesyal ang aking mga inihanda. Dalawa sa mga dish ay first time ko pa lang nagawa o naluto.
Isa na dito itong pasta dish na ito. Mixed Seafoods nad Penne Pasta in White Sauce. Madali lang itong lutuin. Yung mixed seafoods na ginamit ko ay yung nabibili sa cold storage ng mga supermaket. pwede din yung fresh seafoods. Kayo na ang bahala kung gaano karami ang gusto nyong ilagay.
Masarap ang pasta dish na ito. Tamang-tama sa espesyal na okasyon na kasama mgamahal sa buhay kagaya ng Pasko.
MIXED SEAFOODS and PENNE PASTA in WHITE SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Penne Pasta
1/2 kilo Mixed Seafoods (shrimp, fish fillet, squid, crab stick, tahong, etc.)
2 cups grated Cheese
2 tetra brick All Purpose Cream
1 tetra brick Alaska Evap (yung red label)
1 can Sliced Mushroom
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
3 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang penne pasta according to package direction. Huwag i-overcooked.
2. Sa isang kaserola o sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. Halu-haluin.
3. Isunod na agad ang sliced mushroom, mixed seafoods at timplahan ng asin at paminta. hayaan ng mga 2 minuto.
4. Sunod na ilagay ang alaska evap, 1 cup na grated cheese at ang all purpose cream. Haluin na bahagya.
5. Ilagay ang maggie magic sarap at tikman ang sauce. I-adjust ang lasa kung kinakailangan.
6. Ihalo ang ginawang sauce sa nilutong penne pasta. Haluing mabuti.
7. Isalin sa isang lalagyan at lagyan nga grated cheese at chopped parsley sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments