NOCHE BUENA TIP #1 - ASIAN INSPIRED


 http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/10/shrimp-fried-rice.html

Marami ang nagtatanong sa akin kung ano daw ang masarap na ihanda sa Noche Buena dito sa darating na Pasko.  Kaya naisipan kong gawin itong Noche Buena Tip na ito para sa mga nagtatanong.

Para maiba naman sa tradisyunal na inihahanda natin, naisipan kong bakit hindi themed na noche buena ang gawin naman natin.   Ang ibig kong sabihin ay yung may tema ang mga pagkain na ihahanda.   Pwedeng Japanese, European, American, Asian or Filipino.   Ito naman ay suggestion lang, para maiba naman kahit konti.  Remember, isang beses sa isang taon lang natin itong ginagawa.   Kaya mainam na paghandaan talaga natin ito.

Tip #1 ko ay itong Asian Inspired Noche Buena Feast na ito.

Umpisahan natin sa pampagana:  


http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/04/pork-siomai.html
Pork and Shrimp Siu Mai - Ayos na ayos ito at tiyak kong magugustuhan ng mga bata at mga young at hearts syempre.   Make more special?  Dagdagan nyo lang ang lahok na hipon.



http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/10/fried-pork-shrimp-dumpling.html

 Next itong Fried Pork and Shrimp Dumplings na ito.   Ang mainam sa dish na ito, pwedeng pareho lang yung palaman nito sa siu mai.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung pag-fried.

http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/06/crab-salad-spring-roll.html
Mwawala ba itong Crab Salad Spring Roll na ito na present sa lahat ng mahahalagang okasyon sa akibng pamilya?   Inspired ito sa Vietnamese Spring Roll.   Yun lang wala itong rosted chicken or pork.

 Syempre hindi pwedeng mawala ang mga noodles:


http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/07/saucy-canton-con-lechon.html
Saucy Canton con Lechon ang una kong suggestion.   Wala man tayong buong lechon, okay na na isahog na lang natin ito sa pancit.


http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/02/pancit-canton-sotanghon-guisado.html
Pwede din itong Canton-Sotanghon Guisado.  Lagyan mo lang ng extra Chinese Sausage ay winner ang pancit na ito.

For the main dish:

 http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/09/chicken-inasal-using-mama-sitas.html
Main dish syempre from the Philippines.   Winner para sa akin itong Chicken Inasal na ito.

 http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/08/lechon-roll.html
Mahal ang isang buong lechon.   Ito na lang lechon roll ang gawin ninyo.   Yung iba pwede nyong isahog sa inyong pancit.

 Para sa panghimagas:
 

http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/02/mango-sago-pudding.html
Winner itong Mango-SAgo Pudding kung dessert ang paguusapan.   Mula sa masasarap na desserts ng mga Tsino, isa ito sa the best.
 
http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/04/lychees-melon-and-mango-jelly-salad.html
Kung gusto nyo naman ng salad, pwede itong Lychees-Melon and Mango-jelly Salad na ito.   Masarap na pangtanggal umay sa ating mga kinain.

Ayan po.   I hope nakatulong ako sa mga nagtatanong at nag-email sa akin.

Isainama ko po yung mga links ng bawat recipe for easy access.

MERRY CHRISTMAS po sa lahat!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy