BEEF MORCON ng aking ATE MARY ANN
Ang Beef Morcon ang isa sa mga espesyal na pagkaing inihahanda sa mga kasal, binyag o pistahan sa amin sa Bulacan. Espesyal komo karneng baka ang pangunahing sangkap nito at medyo mahaba ang proseso nito sa pagluluto. Hindi ako ang nagluto nito kundi ang aking kapatid na si Ate Mary Ann. Handa namin ito noong nakaraang Bagong Taon. But ofcourse, the best pa rin ang aking Inang Lina sa pagluluto nito...hehehehe.
Hindi ko pa na-try na magluto ng Beef Morcon pero pork and chicken at nakagawa na ako. Pareho lang naman ang mga sangkap at pamamaraan ng pagluluto. Medyo matagal nga lang ang sa beef komo may katigasan ang karne nito.
Maraming beses ko nang nakita ang aking Inang Lina nung nabubuhay pa siya kung papaano ito niluluto at yun ang i-she-share ko sa inyo.
Nga pala, ang beef morcon na yan na nasa pict ay ipinabaon ng aking mga kapatid nung new year na bumalik na kami ng Manila. Sarap talaga...hehehehe
BEEF MORCON ng aking ATE MARY ANN
Mga Sangkap:
1 kilo karne ng Baka (pahiwa ng buo at manipis)
1 cup Soy Sauce
10 pcs. Calamansi
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap (Optional)
1 can Tomato Paste
1 cup Tomato Sauce
1 head minced Garlic
1 large Onion (sliced)
Para palaman:
Atay ng Baboy
Chorizo de Bilbao o Hotdogs
Carrots
Red Bell Pepper
Whole Sweet Pickles
Taba ng Baboy
Hard Boiled Eggs
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baka sa toyo, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
2. Pakuluan ang atay at taba ng baboy sa tubig na may asin. Palamigin at hiwain ng pahaba.
3. Hiwain ang ibapang mga sangkap sa palaman ng pahaba at magkaka-sukat.
4. Ilatag ang minarinade na karne ng baka.
5. Lagyan ng mga ilang piraso ng lahat na klase ng palaman ang ibabaw ng karne ng baka.
6. Dahan-dahan itong i-roll ng medyo mahigpit para masik-sik ang palaman sa karne. Talian ito para hindi bumuka at lumabas ang palaman.
7. Sa isang kawali o heavy bottom na kaserola (yung kakasya ang mga roll na ginawa), igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
8. Isa-isang ilagay ang mga ni-roll na karne at ilagay ang sabaw na ginamit pang-marinade. Lagyan din ng kaunting tubig at takpan.
9. After siguro ng mga 30 minuto, ilagay ang tomato sauce at paste. Takpan muli at hayaang maluto hanggang sa tingin nyo ay malambot na ang karne.
10. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
11. Hanguin ang mga roll mula sa sarsa at palamigin.
12. I-slice ang morcon roll, ilagay sa isang lalagyan at lagyan ng sauce sa ibabaw.
Enjoy!!!!

Comments