BONBON CHICKEN ala DENNIS


May kinakainan kaming isang Japanese resto na may Pinoy touch malapit lang dito sa office na ang pangalan ay Manila Maki.   Mga Japanese food ang sine-serve nila na may Pinoy flavor.   Halimbawa yung isang nai-post ko na na ang tawag ay Karikatsu, tonkatsu siya na may kare-kare sauce.   Yung mga maki nila ay ganun din.   May mga flavor sila na inilagay na pinoy na pinoy talaga ang lasa.

Isa sa mga dish nila na gustong-gusto ko ay yung Bonbon Chicken nila.  Gusto ko yung gayahin kaso nung tinitingnan ko na sa net ang recipe, iba naman yung lumalabas na dish although yun din ang tawag nila.   So naisipan ko na lang na gumawa ng sarili kong version.   Hindi naman ako nabigo, medyo malapit dun sa natikman ko itong version na ginawa ko.  Try nyo din po.


BONBON CHICKEN ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Filet (cut into bite size pieces)
5 pcs. Calamansi
2 thumb size grated Ginger (just need the juice)
2 tbsp. Mirin
2 tbsp. Soy Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
Salt and pepper to taste
Cornstarch
Cooking Oil for Frying
Japanese Mayonaise

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, i-marinade ang manok sa katas ng calamansi, katas ng luya, mirin, soy sauce, oyster sauce, asin at paminta.   Hayaan ito ng isang oras o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.   Bago i-prito, alisin o tuyuin muna ang marinade mix sa manok.   Gumamit ng paper towel kung kinakailangan.
3.   Ihalo ang cornstarch sa manok hanggang sa ma-coat ang lahat ng piraso ng manok.
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at pumula ang kulay.
5.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng Japanese mayo sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy