CELEBRATING OUR 15TH YEAR WEDDING ANNIVERSARY

Nag-celebrate kami ng aking asawang si Jolly ng aming 15th Wedding Anniversary sa isang simple pero masayang araw.

May work pa kasi ako pero nag-file ako ng halfday para kahit naman papaano ay makapag-celebrate kami.   Also, may Dance Concert ang panganay kong anak na si Jake sa kaniyang school sa Aquinas sa San Juan.   Minarapat naming mag-asawa na manood nito para naman kahit papaano ay maipakita namin ang aming suporta sa aming anak.

Pagkagaling ko ng work, niluto ko na ang pwedeng kong lutuin para sa aming dinner bago kami pumunta ng school.   3 dish lang naman at 1 dessert ang ginawa ko.   Nagluto ako ng Shrimp, Crab and Aligue pasta, Roast Pork with Barbeque Sauce at Stuffed Bell Pepper.

Wala naman kaming bisita na inimbita.   Gusto kasi ng aking asawa na maging intimate ang aming dinner na yun with ou kids.   Inilabas pa nga niya yung wine glass at yung cake knife na ginamit naming nung kasal.  

Nakakatuwa na sa kabila ng mga problema na aming kinakaharap at hinarap nitong mga nakaraang mga panahon, nananatili pa rin kami sa aming pagsasama at sa tulong ng Diyos, alam kong patatatagin pa niya ang pagsasamang ito.

Cheers!!!!

Comments

Anonymous said…
Happy anniversary po! Mukhang yummy na naman ang food...Mommy Marie
Dennis said…
Thanks Mommy Marie.... Yummy po talaga..only for my love ones....hehehe. Check nyo na lang po ang mga recipe.
Anonymous said…
hi,im from kentucky u.s ...i was so amazed on your website..it does not only shows foods but also you show how strong your family ties and values.i truly admired you,a one true Filipino father.keep it up.i enjoy reading and following your website.GOD bless
Dennis said…
Thank you very much. :) I hope to know your name so I can address you properly.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy