CREAMY BEEF SHORTRIBS with BUTTON MUSHROOM
May mahigit 1 kilo ako ng beef shortribs sa fridge. Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Kung sasabawan ko naman kako parang lagi na lang nilagang baka. Hindi pa rin ako maka-decide so inilaga ko muna yung karne at saka na lang ako nag-isip na pwedeng lutong gawin.
Finaly, napag-desisyunan kong lagyan na lang ito ng button mushroom, cream at dried basil. Maganda sa dish na ito ay yung inilagay kong sabaw na pinaglagaan ng baka. Malasa yung sabaw komo may buto-buto yung beef. May natira pa nga na gagawin ko kakong soup sa isang araw.
Pwede nyo ding lutuin ito gamit ang laman ng baka. Hindi na kailangan ilaga ang karne kundi ditesong gisa na. Yun lang maghihintay ka pa ring lumambot ang karne bago mo mailagay ang cream at button mushroom. Winner pa rin ito at sulit ang tagal ng pagluluto.
CREAMY BEEF SHORTRIBS with BUTTON MUSHROOM
Mga Sangkap:
1.2 kilo Beef Shortribs (cut into cubes)
1 big can whole Button Mushroom (cut each piece into half)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 head minced Garlic
1 large White Onion (chopped)
1/2 tsp. Dried Basil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, pakuluan ang karne ng baka hanggang sa lumambot.
2. Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa pumula at matusta. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isunod ang sibuyas. Halu-haluin.
4.Isunod na agad ang inilagang karne ng baka, dried basil at lagyan ng mga 2 tasang sabaw ng pinaglagaan. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
5. Ilagay na din ang hiniwang button mushroom kasama ang sabaw nito. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto pa.
6. Ilagay na ang all purpose cream at timplahan at asin, paminta at maggie magic sarap.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.
Enjoy!!!!
Comments