CRISPY PORK STEAK with HONEY-PINEAPPLE SAUCE

Ang original na itatawag ko sana sa dish na ito ay Tonkatsu with Honey-Pineapple Sauce, pero nung mapanood ko sa commercial sa tv yung bagong product ng Jollibee, naisip ko bakit hindi yun ang itawag ko dito.   Ito ngang Cripsy Pork Steak.

Hindi ko pa nata-try ang bagong product na ito ng Jollibee, pero sa tingin ko ay isa lang itong simpleng pork dish na nilagyan ng breadings, pinirito at may espesyal na sauce.   Barbeque I think is good for this dish.   Pero itong ginawa ko, honey at pineapple na may oyster sauce naman ang ginawa ko.   Masarap siya.   Parang yung isang dish na kinain namin sa isang Chinese Restaurant sa Glorietta.   Masarap talaga ito at nagustuhan talaga ng mga anak ko.



CRISPY PORK STEAK with HONEY-PINEAPPLE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Butterfly Cut Pork
2 cups Japanese Breadcrumbs
1 cup All Purpose Flour
2 pcs. Eggs (beaten)
2 tbsp. Mirin
Salt and pepper to taste
For the sauce:
1 small can Pineapple Tidbits
1/2 cup Pure Honey Bee
1 thumb size Ginger (grated)
1 tbsp. minced Garlic
1/2 Onion (chopped)
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Mirin
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang bawat piraso ng karne ng baboy hanggang sa numipis.   Ilatag ito sa isang lalagyan o tray.
2.   Timplahan ito ng asin, paminta at mirin.   Hayaan ng ilang sandali.
3.   Bago i-prito sa kumukulong mantika, ilubog muna ang bawat piraso ng karne sa binating itlog, tapos ay sa harina, balik ulit sa binating itlog, at saka naman sa Japanese breadcrumbs.   I-prito ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   For the Sauce:   Sa isang sauce pan, igisa ang luya at bawang sa kaunting mantika.
5.   Isunod agad ang pineapple tidbits kasama na ang sabaw nito.
6.   Ilagay na din ang soy sauce, mirin, brown sugar at honey bee.   Halu-haluin.
7.   Ilagay na din ang asin, paminta at tinunaw na cornstarch at saka tikman.   I-adjust kung kinakailangan

Ihain ang crispy pork steak kasama sa side ang sauce o kaya naman ay ibuhos na ito sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Yes, may gagayahin na naman ako! :-)
Anonymous said…
curious lang ano yung mirin???
Dennis said…
Mirin is a Japanese sweet cooking wine from fermented rice. Nakakadagdag ito ng flavor sa karne at iba pang mga lutuin.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy