FLYING TINOLA with SOTANGHON


Natatawa ba kayo o nagtataka sa dish natin for today?   Hehehehe.   Actually, ginamit ko lang yung word na 'flying' kasi pakpak ng manok ang ginamit ko sa tinola dish na ito.   Hehehehe.   Yes, simpleng tinolang manok lang ito pero nilagyan ko syempre ng twist.   Bukod sa sotanghon nilagyan ko din ito ng achuete oil.   Nakadagdag ito flavor at mas naging katakam-takam ang inyong tinola kapag ganitong may kaunting kulay.   Di ba ang laki ng pagkakaiba?

Ang tinolang manok marahil ang isa sa mga soup dish na tanyag sa ating lahat.  Pwede ko sigurong masabing next ito sa paborito ng lahat na sinigang.   Katulad ng sinigang napaka-flexible ng dish na ito.   Pwede mo itong lagyan ng kung ano-ano pa para sumarap.  Remember yung tinola ko na nilagyan ng pakwan?   Sabi nga, hindi tayo dapat matali sa nakagawian na.   Try to experiment.   Dun naman tayo natututo di ba?  :)


FLYING TINOLA with SOTANGHON

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Wings
300 grams Chicken Liver
1 pc. large size Chayote o Sayote (tinola cut)
Sotanghon noodles (yung 25 grams ba yun)
1 tsp. Achuete Seeds
Dahon ng sili
4 pcs. Siling pang-sigang
1 tsp. Maggie Magic Sarap
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Canola oil
salt and pepper to taste

Paraan  ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang achuete seeds sa mainit na mantika hanggang sa lumabas ang kulay nito.   Alisin ang mga buto ng achuete sa kaserola.
2.   Sunod na igisa ang luya, bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
3.   Ilagay na ang pakpak ng manok at timplahan ng patis, asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
4.   Lagyan ng nais na dami ng tubig na pang-sabaw.   Takpan muli at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok.
5.   Sunod na ilagay ang atay ng manok, hiniwang chayote, sotanghon at siling pang-sigang.  Takpan muli at hayaang maluto ang atay at gulay.
6.   Timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7.   Huling ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang apoy.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Para sa isang masarap na kain, kumuha ng piraso ng atay ng manok, durugin ito sa isang platito kasama ang siling pangsigang at patis.   Gawin ito bilang sawsawan ng inyong tinola.  Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy