INIHAW NA BANGUS with EXTRA SPECIAL STUFFINGS
Marami na akong nagawang version o flavor ng Inihaw na Bangus, pero masasabi kong ito ang the best sa lahat. Bakit naman? Lagyan mo ba naman ng ham, red bell pepper, olive oil at quick melt cheese, papaanong hindi ito sasarap. Kasama pa ang hiniwang kamatis at sibuyas, winner sa lahat ng inihaw na bangus ang isang ito.
Nung ginawa ko ang version na ito, ang nasa isip ko ay yung chicken cordon bleu. Di ba ipinapalaman yung ham at cheese sa chicken fillet at saka pini-prito? Tamang-tama naman dahil may mga natira pa akong ham at quick melt cheese nitong nakaraang pasko kaya yun ang idinagdag ko sa sibuyas at kamatis na ipapalaman.
Kaya kung nag-iisip kayo ng fish dish na masarap at espesyal talaga ang dating? Try nyo ito. Hindi kayo mapapahiya. :)
INIHAW NA BAGUS with EXTRA SPECIAL STUFFINGS
Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
Ham (cut into small cubes)
Red bell Pepper (cut into small cubes)
1 cup grated Quick melt Cheese
4 pcs. large Tomatoes (sliced)
2 pcs. large White Onion (sliced)
3 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang boneless bangus ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap para sa palaman kasama na ang olive oil.
3. Ipalaman ito sa boneless bangus at balutin ng aluminum foil.
4. Lutuin ito sa baga o sa turbo broiler hanggang sa maluto. Pwede din sa oven.
Ihain habang mainit pa na may kasama sawsawan na toyo na may calamansi, suka at sili.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis