LUMPIANG SHANGHAI - Budget Ulam
May ilang recipes na rin ako nitong Lumpiang Shanghai sa archive. Actually, hindi yung recipes ang gusto kong i-punto sa posting kong ito, kundi ang pagiging budget friendly nito at yung kung papaano pa ito mai-improve sa lasa at sa pagluluto.
Budget friendly, kasi naman kahit half kilo lang ng giniling ang gamitin mo, marami ka nang lumpiang magagawa. Samahan mo lang ng iba pang malalasang sangkap ay ayos na. Ilagay mo na lang sa isang container at ilagay sa freezer, ilabas mo lang kung lulutin mo na.
Para ma-improve at mas lalong maging masarap, haluan ito ng mga sangkap na malalasa kagaya ng kinchay at red bell pepper. Pwede mo ding haluan ng longanisa o kaya naman ay tinapa. Kung gusto mo mo naman ay cheese o bacon. Kung baga, endless ang pwede mo pang ihalo sa lumpia.
Sa pagluluto, mas mainap na i-freezer muna ito bago lutuin. Putulin ng mga half inch ang haba saka prituhin. Natutunan ko ito sa aking kaibigang si Shiela na mas mainam putulin ang lumpia kapag na-freezer muna ito. Walang problema ito habang niluluto dahil hindi lalabas ang palaman na inilagay.
Try nyo din. :)
LUMPIANG SHANGHAI - Budget Ulam
Mga Sangkap:
1/2 kilo Giniling na Baboy
1 cup Toge (yung di pa masyadong tumutubo)
1 medium size Red Bell Pepper
1/2 cup chopped Kinchay
1 cup Singkamas (cut into small cubes)
1 large Onion (finely chopped)
1 tsp. Sesame Oil
1/2 cup Flour
2 pcs. Egg (beaten)
Salt and pepper to taste
Lumpia wrapper
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng mga sangkap maliban lang sa lumpia wrapper at cooking oil. Maaring mag-steam o mag-prito ng kaunting pinaghalong mga sangkap para malaman kung tama na ang timpla.
2. Balutin ito sa lumpia wrapper sa nais na haba at laki...at pahiran ng binating itlog ang gilid para maisara ito at hindi bumuka.
3. I-freezer muna ng overnight bago i-prito.
4. Kung gusto ninyo nung idea ko na i-cut ang lumpia ng mga 1/2 inch ang haba bago i-prito.
5. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa iang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang sweet chili sauce.
Enjoy!!!

Comments