PINAKBET with LECHONG MANOK


Lagi kong sinasabi na dapat di tayo nag-aaksaya sa ating mga pagkain.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon dapat lang na walang natatapong pagkain.   Kaya siguro marapat lang na matuto tayo mag-recycle sa mga tira-tirang pagkain.   Halimbawa, yung mga tira-tirang porkchops o liempo, wedeng hiwain yun ng maliliit at gawing pang-sahog sa mga gulay o kaya naman ay sa ginisang munggo.   Pwede din na igisa lang sa bawang, sibuyas at kamatis at saka lagyan ng binating itlog may open face omellet ka na.

Ganun ang ginawa ko sa natirang pitso ng lechon manok na ulam namin nitong isang araw.   Wala nang pumansin sa pitso kaya ang ginawa ko, hinimay ko siya at ginawa kong pang-sahog sa aking nilutong pinakbet.   O di naging mas masarap pa ang gulay na aking niluto at nagustuhan ko namang talaga.


PINAKBET with LECHONG MANOK

Mga Sangkap:
1 whole Breast part Lechong Manok
1/2 cup Bagoong Alamang
Kalabasa (cut into cubes)
Sitaw
Okra
Talong
Ampalaya
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1 tsp. Brown Sugar
2 tbsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Himayin ang laman ng lechong manok.
2.  Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
3.   Isunod na agad ang hinimay na lechong manok.   Halu-haluin.   Lagyan ng kaunting tubig (1/2 cup)
4.   Sunod na ilagay ang sitaw, okra at kalabasa.   Halu-haluin
5.   Sunod na ilagay ang talong at ang bagoong alamang.   Ilagay na din ang brown sugar, kontin asin at paminta.
6.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain na may kasamang pritong isda at mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Note:   Hindi na ako naglagay ng dami ng gulay ma ilalagay.   Bahala na kayo sa nais na dami.  Thanks


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy