PIZZA ROLL ala DENNIS

Ito ang isa sa dalawang dish na ginawa nitong nakaraang new year.   Yung isa ay Crab Salad Spring Roll and ito ngang Pizza Roll.   Breakfast of January 1, 2013 namin itong kinain.   Di ba nga sa sa reunion party ng aming pamilya kami nag-media noche?

Konti lang ang ginawa kong pizza roll komo alam kong marami pang pagkain at busog pa sa party ang aking mga kasambahay.   Pero wag ka, naubos lahat ng ginawa kong pizza roll na ito.   At sabi nga ng aking Tiya Ineng, masarap daw at parang yung nakain niya nung nasa Dubai siya.

Try nyo ito.   Masarap siyang pang-snacks o kaya naman ay pampagana.   Nasa sa inyo na pala kung ano-anong toppings o sahog ang ilalagay nyo sa inyong pizza roll.



PIZZA ROLL ala DENNIS

Mga Sangkap:
10 pcs. Whole Wheat Tortilla Wrap
1 tetra pack Italian Pizza Sauce
1 pack Sliced Pepperoni
1 bar Quick Melt Cheese
Fresh Basil Leaves
Olive Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-spread ang pizza sauce sa ibabaw ng tortilla wrap.
2.   Ilagay ang grated quick melt cheese, pepperoni at iba pang mga toppings.   Drizzle with olive oil at budburan ng kaunting asin at paminta.
3.   Ilagay sa mainit na oven o sa turbo broiler hanggang matunaw lang ang cheese.   Huwag tatagalan sa init para hindi lumutong ang tortilla wrap.   Kapag lumutong ito hindi mo na ito mai-ro-roll.
4.   Hanguin sa isang plato at i-roll.   Hatiin sa gitna at tusuking ng toothpick para hindi maalis ang pagka-roll.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
pwede rin po ba ito sa microwave oven?
Dennis said…
Yes...and idea lang naman kasi is to melt the cheese. Huwag mo lang pagtatagalin kasi titigas yung fita bread.

Thanks for the visit.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy