RED PORK SINIGANG - With TOMATO SAUCE?

Yes.  Tama ang basa ninyo sa pangalan ng recipes natin for today.   Red Pork Sinigang.   Napanood ko lang ito sa isang commercial ng isang sikat na tomato sauce product.   Nag-dalawang isip talaga ako bago ko ito sinubukan.   Pero sa isip ko lang, hindi naman siguro maglalabas ng ganitong commercial kung hindi tried and tested yung recipe.  Isa pa, nilalagyan naman talaga natin ng kamatis ang ating sinigang, so pepwede talaga.

Actually, sinigang talaga siya sa sangkap at paraan ng pagluluto.   Ang pagkakaiba lang talaga ay yung paghahalo ng tomato sauce habang pinapakuluan ang karne.  Sa pamamagitan nito nagkukulay pula ang sabaw ng ating sinigang.

Pero wag ka, ang dating masarap nang pork sinigang ay mas lalo pang sumarap.  Try nyo din



RED PORK SINIGANG - With Tomato Sauce?

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (cut into cubes)
1 tetra pack Tomato Sauce
1 sachet Sinigang sa Sampaloc Mix
2 pcs. Kamatis (quartered)
1 large Onion  (quartered)
Talbos ng Kangkong
Labanos (sliced)
Sitaw
Okra
Siling  pang-sigang
Salt and patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserol, ilaga ang pork liempo sa nais na dami ng tubig hanggang sa lumambot.   Huwag kalimutan na lagyan ng konting asin.
2.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang sibuyas, kamatis at tomato sauce.  Hayaang kumulo pa.
3.   Sunod na ilagay ang sitaw, okra, labanos at siling pang-sigang.   Hayaang maluto ang gulay.
4.  Huling ilagay ang sinigang mix at talbos ng kangkong.
5.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
first time to hear na pwede pala yan
Dennis said…
Napabood ko lang din sa tv pinkcookies...naisip ko din pwede naman...kasi naglalagay tayo ng kamatis sa sinigang di ba?

J said…
Oo nga kuya... nilalagyan naman ng kamatis ang sinigang hehe. Ayos ito!
Dennis said…
Napapanood mo ba ang Master Pinoy Edition dyan sa inyo J? Today kasi d2 sa Pinas, sinigang na may tomato sauce din ang nag-top sa invention test nila. Sabagay, masarap naman talaga yung ganitong version ng sinigang. Try mo din. hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy