SHRIMP CHOP SUEY
After ng napakaraming kainan at party nitong nakaraang holidays season, at alam kong umay na umay na tayo sa mga karne at di-sarsang pagkain. Mainam siguro na mag-isda naman tayo o gulay na pagkain sa ating mga pang-ulam. Yes, mainam ang mga gulay lalo na yung rich in fiber sa pagdi-ditox o paglilinis ng ating mga bituka. Lalo na kung matataba nga ang ating mga kinain, mainam na mag-gulay naman tayo o prutas.
Yun agad ang naisip ko (ang magluto ng gulay) nang makita ko itong fresh na hipon sa supermarket. Bumili ako ng 1/2 kilo at yun kako ang isasahog ko sa shrimp chopsuey na nabili ko.
One thing more, ang gulay na ginamit ko dito ay yung nabibili na naka-pack na sa supermarket. Mas mapapamahal kasi kung isa-isa mo itong bibilhin. Ok ito at tamang-tama lang sa dami ng kailangan kong lutuin. Yummy!!!
SHRIMP CHOP SUEY
Mga Sangkap:
1/2 kilo Hipon (alisin ang ulo at balat)
1 pack Fresh Mixed Vegetables (Carrot, broccoli, cauli flower, Baguio beans, repolyo, bell pepper, sayote, etc.)
3 tbsp. Oyster Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Dikdikin o i-chop mabuti ang ulo ng hipon hanggang sa maging paste.
2. Paghiwa-hiwalayin ang gulay. Ihiwalay yung matagal maluto sa madali lang maluto. Hugasang mabuti.
3. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Isunod na agad ang hipon at at paste na ginawa mula sa ulo ng hipon. Lagyan ng kaunting tubig. (1/2 tasa)
5. Timplahan ng asin at paminta.
6. Ilagay una ang gulay na medyo matagal maluto. Halu-haluin at takpan.
7. Isunod na agad ang gulay na madaling maluto. Halu-haluin.
8. Ilagay na ang oyster sauce, brown sugar at tinunaw na cornstarch.
9. Tikman ang sauce ang i-adjust ang lasa. Huwag i-oercooked ang gulay.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments