SQUID and BROCCOLI in OYSTER SAUCE
Sa dami nang klase ng pagkain na nakain natin nitong nakaraang holiday, parang ang hirap mag-isip kung ano ang masarap na mai-ulam sa bahay. Parang nakaka-umay na ang mga karne at manok. Kaya nga parang mas masarap pa ang tuyo o pritong isda na may kasamang gulay.
Ang hirap naman, bakit ang mahal ng isda at gulay ngayon? Komo alam nila (nagtitinda) na umay na tayo sa karne at manok? hehehehe. Sa panahon nga siguro yan. hehehe
Kaya eto, isang seafood and vegetable dish naman ang handog ko sa inyo. Hango sa sikat kjong beef broccoli in oyster sauce, squid version naman ang isang ito. At wag ka, masarap at nakaka-alis ng umay ang dish na ito. Try it!
SQUID and BROCCOLI in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo medium size Squid (linising mabuti at hiwain into rings)
3 tbsp. Oyster Sauce
300 grams Broccoli (cut into bite size pieces)
1 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (sliced)
1 tsp. Brown Sugar
Salt and peppe to taste
2 tbsp. Canola Oil
1 tsp. Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang microwaveable na bowl, ilagay ang hiniwang broccoli at lagyan ng 1 tasang tubig na may kaunting asin.
2. Isalang ito sa microwave at lutuin ng mga 4 to 5 minutes. Kung naluto na, alasin ang tubig.
3. Sa isang kawali o kasirola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
4. Isunod agad ang pusit at timplahan ng asin at paminta.
5. Ilagay na din agad ang oyster sauce at brown sugar. Hayaan lang ng mga 2 minuto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Huling ilagay ang brocolli. Haluin para ma-coat din ng sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments