FRIED CHICKEN ADOBO
Maraming beses ko nang sinubukan na gayahin ang adobo ng aking Inang Lina pero hindi ko talaga magawa. Ewan ko, iba talaga ang sarap at lasa ng adobo ng aking Inang. Kahit ang aking mga kapatid ay hindi matuluran ito kahit pa gayahin kung papaano niya ito niluluto noon.
Ang adobo ng aking Inang ay yung kakaunti lang ang sauce. At ang ginagawa pa niya, after na maluto ito ay pinipirito pa niya. Pagkatapos i-prito, ibabalik ulit niya yung sauce at hahayaan pa na mababad pa ito sa sauce. Yummy talaga.
At ganun ang ginawa kong luto sa chicken adobo na ito na niluto ko nitong nakaraang araw. Niluto ko siya sa pangkaraniwang luto ng adobo at saka ko siya pinirito. Hindi man kahalintulad ng adobo ng aking Inang, masarap din ito at para na ding naaalala ko ang kanyang luto.
FRIED CHICKEN ADOBO
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1/2 cup Vinegar
2/3 cup Soy Sauce
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng mga sangkap at pakulan hanggang sa malapit ng maluto ang manok.
2. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang inadobong manok. Hayaang ma-prito ito sa sarili nilang mantika hanggang sa pumula ng bahagya ang mga sides.
4. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped spring onion sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa at ilagay sa side ang sauce.
Enjoy!!!!
-->
Comments