SINIGANG na ULO ng SALMON sa SAMPALOK
Na-try nyo na ba yung Sinigang sa Sampalok paste na bagong product ng Mama Sitas? Yes, paste siya hindi kagaya nung pangkaraniwan na sinigang mix na powder.
When I check the label, bukod sa sampalok pulp ay may nakahalo din ditong taro o gabi na inihahalo din natin sa sinigang. Ang mainam sa ganito, para ka na ring nag-sigang na gamit ang tunay na sampalok without the hazzle nung paglalaga at pagpipiga pa ng sampalok.
At para dito sa nabili kong ulo ng salmon nitong nakaraang araw, tamang-tama na isigang ko ito gamit ang sinigang sa sampalok paste na ito. At di nga ako nagkamali, masarap, malasa at tamang-tama ang asim ng aking sinigang. Try nyo din po.
SINIGANG na ULO ng SALMON sa SAMPALOK
Mga Sangkap:
1.5 kilos Ulo ng Salmon (cut into serving pieces)
1 tetra pack Mama Sitas Sinigang sa Sampalok paste
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Kamatis (sliced)
2 tbsp. Canola oil
Kangkong
Sitaw
Okra
Sigarilyas
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Lagyan ng nais na dami ng sabaw o tubig at hayaang kumulo.
3. Ilagay na ang sitaw, okra at sigarilyas. Takpan at hayaan ng ilang minuto.
4. Ilagay na ang hiniwang ulo ng salmon at timplahan ng asin o patis. Hayaang maluto ang isda.
5. Ilagay na ang Mama Sitas sinigang sa sampalok paste. Halu-haluin. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang kangkong. Hayaan ng ilang sandali at saka patayin ang apoy ng kalan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy
-->
Comments
Dennis