SINIGANG na ULO ng SALMON sa SAMPALOK


Na-try nyo na ba yung Sinigang sa Sampalok paste na bagong product ng Mama Sitas?   Yes, paste siya hindi kagaya nung pangkaraniwan na sinigang mix na powder.

When I check the label, bukod sa sampalok pulp ay may nakahalo din ditong taro o gabi na inihahalo din natin sa sinigang.   Ang mainam sa ganito, para ka na ring nag-sigang na gamit ang tunay na sampalok without the hazzle nung paglalaga at pagpipiga pa ng sampalok.

At para dito sa nabili kong ulo ng salmon nitong nakaraang araw, tamang-tama na isigang ko ito gamit ang sinigang sa sampalok paste na ito.   At di nga ako nagkamali, masarap, malasa at tamang-tama ang asim ng aking sinigang.   Try nyo din po.


SINIGANG na ULO ng SALMON sa SAMPALOK

Mga Sangkap:
1.5 kilos Ulo ng Salmon (cut into serving pieces)
1 tetra pack Mama Sitas Sinigang sa Sampalok paste
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Kamatis (sliced)
2 tbsp. Canola oil
Kangkong
Sitaw
Okra
Sigarilyas
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.   Halu-haluin.
2.   Lagyan ng nais na dami ng sabaw o tubig at hayaang kumulo.
3.   Ilagay na ang sitaw, okra at sigarilyas.   Takpan at hayaan ng ilang minuto.
4.   Ilagay na ang hiniwang ulo ng salmon at timplahan ng asin o patis.   Hayaang maluto ang isda.
5.   Ilagay na ang Mama Sitas sinigang sa sampalok paste.   Halu-haluin.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6.  Huling ilagay ang kangkong.   Hayaan ng ilang sandali at saka patayin ang apoy ng kalan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy


-->



Comments

Anonymous said…
wow...thank you for this recipe.i will try this one tonight
Dennis said…
Salamat po sa pag-like.
Unknown said…
I Try This Today And Its so Yummy Thank u Kuya Dennis For this awesome Recepe
Dennis said…
Thanks Alma. I hope ma-share mo din itong food blog kong ito among your relatives and friends. Dont forget to click the ADS ha....many thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy